Ex-PRRD nakahandang humarap sa ICC, hinamon ang int’l criminal court
- Published on November 15, 2024
- by @peoplesbalita
HINAMON ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte ang International Criminal Court (ICC) na simulan ang imbestigahan nito sa kanyang madugong war on drugs.
Sa pagharap ng dating pangulo sa pagdinig ng Quad Comm, sinabi ni Duterte sa ICC na “come here and start the investigation tomorrow,” sabay dagdag na baka yumao siya bago magkaroon ng tiyansa ang ICC.
“This issue has been left hanging for so many years. Matagal, ma’am, baka mamatay na ako hindi na nila ako maimbestigahan,” pahayag ito ni Duterte sa pagtatanong ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas.
Ang pahayag na ito ni Duterte ay kasunod na rin sa malawakang kritisismo na iniiwasan niya ang pananagutan sa mga nasawi sa umano’y extrajudicial killings sa ilalim ng kanyang administration, n matagal nang kinondena ng ICC. (Vina de Guzman)
-
Walang banta sa buhay ni Arnie Teves-PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang banta sa buhay ni Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves, idinadawit sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo “Ang sinasabi niya may banta daw sa buhay niya. Kami naman, the best intelligence we have is that we don’t know of any threat. Saan mangggaling […]
-
Tinuligsa ng Makabayan ang desperadong hakbang ng kampo ni VP Duterte
TINULIGSA ng Makabayan ang desperadong hakbang umano ng kampo ni Vice President Duterte para makaiwas sa pananagutan. “This is nothing but a last-ditch effort to escape scrutiny over the millions of confidential funds that were questionably spent under her watch. Kung walang tinatago, bakit ayaw humarap? First, she refused to appear in House hearings, now […]
-
Ihahatid ang pinaka-nakakikilabot na content sa vlog: Sen. IMEE, tatalakayin ang mga tradisyunal na pamahiing Pinoy tuwing ‘Araw ng mga Patay’
ISANG nakatatakot na Halloween long weekend ang hatid ni Sen. Imee Marcos sa kanyang official YouTube channel dahil bibigyan niya ang kanyang online Imeenatics ng pinaka-nakakikilabot na content to date. Ngayong Oktubre 28 (Biyernes), sa kanyang vlog entry na pinamagatang ‘Pammati ti Ilokano’, makakasama ng Senadora ang isa sa mga paborito niyang partner sa […]