Excavation activities ng Manila Water tigil muna sa panahon ng holiday
- Published on December 6, 2023
- by @peoplesbalita
SINUSPINDE muna ng Manila Water ang ginagawang excavation activities sa mga pangunahing lansangan sa East Zone ng Metro Manila bilang pagtalima sa government resolution hinggil sa paghahanda sa nalalapit na kapaskuhan.
Unang nagpalabas ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng Memorandum Circular No. 15 Series of 2023, na nag-uutos ng temporary suspension sa road works sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila tulad ng road reblocking, pipe laying at road upgrading activities bilang bahagi ng kampanya na maibsan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko tuwing holiday season.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng Manila Water na patuloy na magiging sapat ang suplay ng tubig 24/7 sa mga customers sa east zone ng Metro Manila.
Kasalukuyang ginagawa ng Manila Water ang pipe relocation at replacement works sa EDSA kanto ng J.P. Rizal Street, Orense sa Makati City at sa Cubao, Quezon City upang bigyang daan ang construction ng Department of Transportation’s EDSA Greenways Project Package 1.
“These initiatives show our commitment not only to provide the best services to our customers, but also to help the government in speeding up and pursuing worthwhile projects for the benefit of the public, and to contribute to the growth of the economy as well.” sabi ni Jeric Sevilla, Manila Water Corporate Communication Affairs Group Director.
-
Jeremy Lin may payo kay Kai
MAY PAYO si dating NBA player Jeremy Lin kay Kai Sotto matapos hindi mapili sa katatapos na NBA Rookie Draft na ginanap sa Barclays Center sa Brooklyn, New York. Nais ni Lin na ipagpatuloy lamang ni Sotto ang kanyang mga ginagawa upang mas lalo pa itong mag-improve sa kanyang paglalaro. Nasilayan […]
-
Award-winning novel ni Marivi Soliven: SHARON, kumpirmado nang bibida sa Hollywood movie adaptation ng ‘The Mango Bride’
KUMPIRMADO na ngang magli-lead si Megastar Sharon Cuneta sa Hollywood movie adaptation ng award-winning novel ni Marivi Soliven na The Mango Bride. Sa Instagram account ng Megastar pinost niya ang screen shot ng article na nilabas ng Variety. Caption ni Sharon, “SURPRISE! Hollywood, here come the PINOYS!!” kasama ang mga emojis. […]
-
EO sa paglikha ng water resources management office sa DENR, oks kay PBBM
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang executive order para sa pagtatayo ng Water Resources Management Office (WRMO) sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na naglalayong pagsama-samahin ang pagsisikap ng pamahalaan na tiyakin ang “availability at sustainable management” ng water resources sa bansa. Sa ilalim ng Executive Order No. […]