Excited pa namang mag-show kasama si Boobay: JULIE ANNE at RAYVER, nakabalik na ng bansa mula sa Israel
- Published on October 12, 2023
- by @peoplesbalita
NAKABALIK na ng Pilipinas sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz at Boobay mula sa bansang Israel.
Dumating sila noong October 9 ng gabi sa Clark International Airport.
Excited pa naman ang JulieVer loveteam sa dapat na show sa Tel Aviv. Noong September pa nila pino-promote ang show para abangan sila ng ating mga kababayan doon.
Gaganapin sana ang show ng JulieVer loveteam na “Luv Trip Na, Laff Trip Pa” sa Smolarz Auditorium at the Tel Aviv University noong October 7.
Nakansela ang kanilang show sanhi ng pag-atake ng militant Hamas forces sa bansang Israel.
Pinost ng Sparkle GMA Artist Center ang pagdating nila Julie, Rayver at Boobay sa Pampanga.
“We extend our gratitude to all those who have sent their good wishes to the artists and the rest of the Sparkle team,” caption pa ng Sparkle.
Noong October 8, nag-announce ng special advisory ang Sparkle na papauwi na sa Pilipinas ang buong team pagkatapos sumiklab ang kaguluhan sa Israel.
“In view of the recent reports we are getting from Tel Aviv, the management of Sparkle would like to announce that Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Boobay and the Sparkle Team who are currently in Israel now for a concert are all safe. We thank everyone for their well wishes as we pray for their continued safety and protection.”
Ayon pa sa report: “The postponed show was caused by the gun and armed war in northern Israel which had killed hundreds of people, with the death toll still still rising. The Islamist group from Gaza launched an attack because of the conflict between Israel and Palestine which stems back to the late 19th and early 20th century over the sovereignty of their territories.”
***
NAKA-ONE year na pala bilang Kapuso at Sparkle artist ang Cebuana island girl at content creator na si Shuvee Entrata.
Thankful si Shuvee dahil sa mga projects na binigay sa kanya tulad ng teleserye na ‘Hearts On Ice’ at bilang segment host sa ‘Unang Hirit’.
Ngayon ay gumaganap siyang best friend ni Jillian Ward sa one month special ng ‘Daig Kayo Ng Lola Ko: Captain Kitten.’
“Sobrang thankful po ako sa Sparkle for giving me the opportunity to do many things like acting and hosting.
“Enjoy ako working with Jillian. Napakabait at very down to earth. Lagi kaming nagba-bonding sa set at best friends na kami in real life,” sey ni Shuvee na tuloy ang paggawa ng mga nakakatuwa at makabuluhang content sa kanyang YouTube channel.
***
BALIK sa big screen si Angelina Jolie at siya ang gaganap sa biopic ng opera star na si Maria Callas.
Huling napanood sa Marvel Film na ‘Eternals’ si Jolie noong 2021. Ngayon ay naghahanda siya sa shooting ng pelikulang Maria na tungkol sa “tumultuous, beautiful and tragic story of the life of the world’s greatest opera singer, relived and reimagined during her final days in 1970s Paris.”
Mula ito sa direksyon ni Pablo Larraín na nagdirek ng mga pelikulang ‘Spencer’ at ‘Jackie’ kunsaan nakakuha ng best actress nomination sa Oscar Awards sina Kristen Stewart at Natalie Portman.
Excited na makatrabaho ni Pablo si Jolie dahil alam niyang bagay rito ang role na Maria Callas.
(RUEL J. MENDOZA)
-
DA, tiniyak ang 24/7 DRRM ops para sa mga disaster-affected farmers
TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) ang 24/7 Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) ops para sa mga disaster-affected farmers. Layon nito na maayos na suriin ang epekto ng pinalakas na southwest monsoon o Habagat at bagyong Carina sa buong sektor. “Lahat po ng concerns ay pwede pong tanggapin sa […]
-
‘Red-tagging spree’ vs kabataan, katiwalian ibinabala sa P150-M DepEd confidential funds
KINONDENA ng isang human rights group ang kontrobersyal na P150 milyong confidential funds na mungkahing ibigay ng Department of Education — bagay na posibleng magamit pa raw sa katiwalian at paniniktik sa kabataan. Bahagi lang ito nang mahigit P650 milyong proposed confidential funds sa ilalim ni Bise Presidente Sara Duterte sa 2023, na […]
-
Lady Stags, Lady Bombers magpapang-abot sa stepladder
IBUBUHOS ng San Sebastian at Jose Rizal University ang itinatagong lakas sa kanilang do-or-die match upang umabante sa second round ng stepladder semis ng NCAA Season 97 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City. Magpapang-abot ang Lady Stags at Lady Bombers ngayong alas-2 ng hapon kung saan ang mananalo ang […]