Exciting match up ng magkapatid na Ravena sa Japan B.League usap-usapan pa rin
- Published on October 6, 2021
- by @peoplesbalita
Hanggang ngayon trending pa rin sa mga Pinoy basketball fans ang makapigil hininga na matchups ng magkapatid na Keifer at Thirdy Ravena sa pagsisimula ng B.League sa Japan.
Kung maalala parehas na may tig-isang panalo na ang San-En NeoPhoenix ni Thirday at Shiga Lakestars ni Keifer sa magkasunod na banggaan ng dalawang teams.
Si Thirdy ay nasa ikalawang season na ngayon ng liga kaya siya ang itinuturing na nangunguna sa eksperyensa sa Japan sa walong mga Pinoy players na kinuhang import ng iba’t ibang mga koponan.
Kung maalala nitong nakalipas na weekend sa second game ay dinala ni Thirdy ang San-En na may 21 points upang makabawi sa kanyang kuya na PBA player na si Keifer na nagpakita naman ng 20 points.
Sa darating na weekend isa pang Pinoy na malapit din niyang kaibigan ang makakabanggaan naman ni Thirdy na si Kobe Paras na kinuha ng Niigata Albirex BB.
Ayon kay Thirdy excited na rin siyang makaharap ang best friend.
Samantala, lalo pang nagpaalab sa laro ng mga Ravena ay dahil maraming mga Pinoy din ang nanonood doon.
Hindi naman nabahahala ang dalawa na nakakaharap din ang mga bigating mga players sa Japan.
-
Andrew Garfield, Telling the Truth or Trying to Hide the Big Reveal about ‘Spider-Man: No Way Home’
RUMOR are still swirling about the inclusion of Andrew Garfield and Tobey Maguire in the upcoming Spider-Man: No Way Home as multiversal web slingers. Unsurprisingly, Garfield has been badgered about this since the rumors and supposed leaks first started and he’s found a myriad of ways to dance around denying it since. Well, if at first you don’t succeed, deny, deny, and […]
-
‘1st Sunday’ ng 2022: 4,600 bagong COVID-19 cases, naitala sa PH; 25 bagong patay
Mula sa 3,617 sa unang araw ng bagong taon kahapon, tumaas sa 4,600 na bagong COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) cases ang naitala sa Pilipinas ngayong araw. Base sa latest bulletin ng Department of Health (DOH), 21,418 na ang bilang ng aktibong kaso kung saan 769 ang asymptomatic o walang sintomas, 15,644 ang mild, […]
-
PBBM, in-extend ang termino ni Police General Acorda bilang PNP CHIEF
IN-EXTEND ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang serbisyo ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. hanggang Marso 31, 2024 bunsod na rin ng matagumpay na pamumuno nito sa police force simula ng italaga noong Abril ngayong taon. “I wish to inform you that, pursuant to the provisions of existing […]