• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Expanded’ travel ban vs 20 bansang may bagong COVID variant, ipatutupad ng PH – Duque

Inanunsyo ni Health Sec. Francisco Duque III na hindi na papayagang makapasok sa Pilipinas ang mga biyahero na manggagaling sa 20 bansang nakapagtala na ng bagong variant ng COVID-19.

 

Ayon kay Duque, epektibo ang expanded travel ban simula alas-12:01 ng hatinggabi ng Disyembre 30 at tatagal hanggang Enero 15, 2021.

 

Ang mga bansang ito ay ang mga sumusunod: United Kingdom, Switzerland, Denmark, Hong Kong, Ireland, Japan, Australia, South Africa, Israel, Netherlands, Canada, France, South Korea, Singapore, Germany, Iceland, Italy, Spain, Lebanon, at Sweden.

 

Sakop aniya sa naturang ban ang lahat ng mga biyahero, mapa-Pinoy man o banyaga.

 

Para naman sa mga pasaherong in-transit na, sinabi ni Duque na makakapasok pa rin ang mga ito pero kailangan nilang sumailalim sa 14-day mandatory quarantine sa mga accredited facilities.

 

Ito aniya ay kahit negatibo ang mga ito sa kanilang RT-PCR test.

 

Hindi naman aniya kasama sa ban ang mga returning overseas Filipino workers.

 

“Except for OFWs. ’Yun ang gusto ng pangulo na ang mga OFWs, ang mga kababayan natin hayaan silang makapasok but they will have to undergo strict 14-day quarantine,” wika ni Duque. (Daris Jose)

Other News
  • DA, minomonitor ang umuusbong na ‘zoonotic diseases’

    MINOMONITOR ng Department of Agriculture (DA), pinuno ng Philippine Inter-Agency Committee on Zoonoses (PhilCZ), ang umuusbong na ‘zoonotic diseases o infections” na maaaring kumalat mula sa hayop hanggang sa tao.     Sa isinagawang turnover ceremony ng chairmanship ng PhilCZ mula sa Department of Health (DOH) tungo sa DA, sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Constante […]

  • Napaganda pa dahil pang-primetime: SOFIA at ALLEN, inamin na kinabahan kung bakit ‘di naipalabas last year ang teleserye

    INAMIN ng AlFia loveteam nina Sofia Pablo at Allen Ansay na kinabahan sila kung bakit hindi pa raw naipalalabas last year ang kanilang natapos na teleserye na Luv Is: Caught In His Arms.    Noong July 2022 pa raw nila natapos ang buong teleserye noong mag-lock-in taping sila sa Baguio City. October ang sinabi sa […]

  • 1-M pang Sinovac vaccine doses, dumating sa Phl

    Karadagang 1 million doses ng Sinovac COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccine ang dumating sa Pilipinas bandang alas-7:35 kahapon ng umaga.     Ang bagong batch ng Sinovac vaccine ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City lulan ng Cebu Pacific Flight 5J 671.     Sinalubong ito ng vaccine czar na […]