• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Expansion ng PGH, itinulak ni Bong Go

ISINULONG ni Senator Christopher “Bong” Go, chair ng Senate committee on health and demography, ang legislative bill na naglalayong dagdagan ang bed capacity ng Philippine General Hospital (PGH).

 

 

Mula sa kasalukuyang 1,500 beds nais ni Go na gawing 2,200 bed capacity ang PGH bilang bahagi ng ang kanyang layunin na palakasin ang imprastraktura ng healthcare service sa bansa para sa mga kapus-palad na pasyente.

 

 

Inihain ni Go noong Miyerkules, Pebrero 7, ang Senate Bill No. 2539 bilang tugon sa lumalaking pangangailangan para sa mga serbisyong medikal. Titiyak din ito na mas maraming Pilipino ang magkakaroon ng access sa de-kalidad na healthcare services.

 

 

Binibigyang-diin din nito ang mahalagang papel ng PGH bilang pangunahing pasilidad ng pampublikong kalusugan sa bansa.

 

 

Ayon kay Go, ang PGH ay kinukunsidera bilang pinakamalaking government tertiary hospital sa bansa at nangunguna sa pagbibigay ng panganga­lagang medikal sa libu-libong Pilipino, lalo sa mga mahihirap, sa pagtaas ng populasyon at pagtaas ng saklaw ng iba’t ibang mga kondisyon ng kalusugan.

 

 

Anang senador, panahon na para matulungan ang ospital na makatugon sa lumalaking pangangailangan ng mga Pilipino.

 

 

Dahil dito, hinikayat ni Go ang mga kasama niya sa Senado at iba pang sektor na suportahan ang panukalang batas na ito.

Other News
  • Dalawang gowns ang inirampa sa ‘VIFF’… JANINE, napagkamalang European actress dahil sa kakaibang ganda

    FIRST time nakarating sa Venice, Italy si Janine Gutierrez, dumating siya doon ng August 28 at umuwi ng September 4.     Dumalo si Janine sa 81st Venice International Film Festival para sa pelikula niyang ‘Phantosmia’ ni Lav Diaz na four hours and fifteen minutes ang haba.     Ano ang feeling habang isa-isang tinatawag […]

  • Ads September 24, 2022

  • Philippines women’ volleyball team bigong makakuha ng medalya sa 2022 ASEAN Grand Prix

    WALANG  nakuhang panalo ang Pilipinas sa 2022 ASEAN Grand Prix sa Indonesia.     Ito ay matapos na talunin sila ng Indonesia sa score na 26-24, 25-22, 25-23.     Pinangunahan ni Jema Galanza ang Philippine Womens’ volleyball team na nagtala ng 16 points habang mayroong 15 points si Michele Gumabao at 10 points naman […]