• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Export ng PH lumampas ng $100-B noong 2023 – DTI

IPINAGMALAKI ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual na sa unang pagkakataon, ang mga export ng Pilipinas ay lumampas sa USD 100 bilyon noong 2023.

 

 

Ayon kay Director Bianca Sykimte ng DTI- Export Marketing Bureau (EMB) na ang kabuuang taon na pag-export ng parehong mga produkto at serbisyo ay umabot sa USD 103.6 bilyon, na nagmarka ng 4.8% pagtaas mula sa nakaraang taon.

 

 

Aniya, malaki ang ambag sa paglago sa sektor ng information technology at business process management (IT-BPM) at ang mga kita sa turismo.

 

 

Aktibo ring nagsusumikap ang DTI upang mapakinabangan ang lakas ng sektor ng serbisyo at tugunan ang mga hamon sa pagluluwas ng paninda.

 

 

Kasama sa mga pagsisikap na ito ang pagpapalawak sa service industry sa pamamagitan ng pagpasok ng mga bagong merkado at pagpapalakas gaya ng nakabalangkas sa Philippine Export Development Plan (PEDP) 2023-2028.

 

 

Inihayag din ni Sec. Pascual na kanilang kinikilala ang patuloy na mga hamon sa domestic at global trading environment.

 

 

Kaya umaasa silang matugunan ang mga umiiral na hadlang sa pagiging mapagkumpitensya sa pag-export ng Pilipinas habang patuloy ipinapatupad ang PEDP para sa 2023 hanggang 2028. (Daris Jose)

Other News
  • LTO, nagpapalabas ng permit sa driving schools sa kabila ng invalid documents – COA

    PINUNA ng Commission on Audit (COA) ang ilang tanggapan ng  Land Transportation Office (LTO) para sa pagpapalabas ng permit o sertipiko ng accreditation o akreditasyon para sa  driving schools noong nakaraang taon  kahit pa ang mga isinumiteng dokumento ay  invalid o incomplete.  Sa pinakabagong audit report  para sa  Department of Transportation (DOTr), sinabi ng COA […]

  • MAINE, thankful na endorser uli ng company na unang nagtiwala sa kanya; ramdam pa rin ang pagiging ‘Phenomenal Star’

    RAMDAM na ramdam pa rin ang Phenomenal Star na rami ng ganap ni Maine Mendoza lalo na ngayong buwan ng Hulyo.     Patuloy siyang mapapanood sa Eat Bulaga bilang host na nagsi-celebrate ng 42nd Anniversay ngayong July 30.     Patok pa rin sa viewers ang Daddy’s Gurl every Saturday with Bossing Vic Sotto […]

  • MM mayors, patuloy na inihihirit ang GCQ

    PATULOY na inihihirit ng mga Metro Manila Mayors na manatili sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang kani-kanilang mga nasasakupan. Ito ang sinabi ni National Task Force on COVID 19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez base na rin sa kanilang pakikipag- usap sa mga Mayor dito sa NCR. Base sa inilatag na rekomendasyon ng […]