• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Extension ng deklarasyon ng state of calamity sa Pilipinas, definitely-Sec. Roque

SIGURADONG sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ie- extend o palalawigin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang idineklara nitong state of calamity sa Pilipinas.

 

Ito’y dahil sa patuloy na pakikibaka ng bansa sa  COVID-19 pandemic.

 

“Yes, definitely ..it will be extended. It’s in the desk of the President, probably signed by now,” ayon kay Sec. Roque .

 

Matatandaang isinailalim ni Pangulong Duterte sa State of Calamity ang buong bansa sa harap ng patuloy na pagdami ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

Ayon sa Proclamation No. 929, anim na buwan isasailalim sa state of calamity ang Pilipinas pero puwede  itong palawigin o umikli depende sa mga pangyayari.

 

Sa ilalim ng state of calamity, mas mabibigyan ng mas malawak na access ang national government at mga local government unit (LGU) sa kinakailangang pondo, kabilang ang quick response fund, para sa disaster preparedness.

 

Ang deklarasyon ng  state of calamity noong Marso ay nakapagbigay pagkakataon sa pamahalaan na mas maayos na tugunan ang pandemiya bago pa mapagtibay  ang  virus response  na  Bayanihan to Heal as One Act, at Bayanihan to Recover as One Act.

 

Sa ulat, ang Pilipinas ang isa sa may pinakamatagal at mahigpit na lockdowns sa buong mundo habang ang buong bansa ay nasa ilalim ng iba’t ibang  levels ng  community quarantine. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Dwayne Johnson Reveals First Look at Krypto for ‘DC League of Super-Pets’

    DWAYNE Johnson reveals the first look at Krypto the Superdog in a video announcement for the animated DC League of Super-Pets film.     Based on the DC Comics team of the same name, the film will center on the pets of some of the most iconic heroes led by Krypto as they form their own crime-fighting team […]

  • Tanggap na na talaga ng pamilya ang kanilang relasyon: RUFFA, kasamang nag-Christmas si HERBERT

    KASAMANG nag-Christmas si senatorial candidate Herbert Baustista ang rumored girlfriend niya na si Ruffa Gutierrez at ang buong pamilya nito.   Sa TikTok video nga na pinost ng aktres, na nag-exchange gift ang kanyang pamilya at makikitang na magkausap sina Herbert at Ramon Christopher Gutierrez.   Sa last part ng video, kita rin na tinawag […]

  • Apat na broadcasting company, pinagkalooban ni PDu30 ng prangkisa

    APAT na broadcasting company ang pinagkalooban ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng prangkisa.     Inaprubahan ni Pangulong Duterte na makapag- operate sa loob ng 25 taon ang mga broadcasting company gaya ng Soundstream broadcasting corporation, Nation Broadcasting Corporation, GV Broadcasting System o mas kilala bilang Cignal TV at sa Real Radio network.     […]