Face mask kontra-COVID need pa rin sa labas
- Published on June 16, 2022
- by @peoplesbalita
IDINIIN ng Malacañang na obligado pa rin ang lahat na magsuot ng face masks laban sa COVID-19, ito kahit na ginawa na lang itong “optional” para sa outdoor areas ng provincial government ng Cebu.
Kaugnay pa rin ito ng Executive Order 16 na inilabas ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia, kung saan hindi na kailangan ang face masks sa “well-ventilated and open spaces.”
“We reiterate and support the legal opinion of the Justice Secretary that the Inter-Agency Task Force (IATF) resolution on the mandatory wearing of face masks shall prevail over the executive orders by local government units, including the one issued by the provincial government of Cebu,” wika ni acting presidential spokesperson Martin Andanar, Martes.
“The Chief Executive’s directive is clear: Continue wearing face masks; and the Department of the Interior and Local Government has instructed the Philippine National Police to implement the existing IATF resolution on wearing of face masks accordingly.”
Lunes lang nang sabihin ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi maaaring balewalain nina Garcia ang mga kautusan ng IATF, lalo na’t binubuo ito ng Gabineteng panay alter-egos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kanina lang nang sabihin ni Garcia sa panayam ng CNN Philippines na paninindigan nila ang E.O. 16 lalo na’t ang mga resolusyon ng IATF ay hindi naman batas na ipinasa ng Konggreso o executive order ni Digong. Kailangan din daw ng mga ordinansa ng local government units para parusahan ang mga lumalabag nito.
Nakatakdang pag-usapan ng pamunuan ng League of Provinces of the Philippines ang posibilidad na gawing optional ang naturang pananggalang mula sa nakamamatay na virus.
Sa kabila nito, inilinaw ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya na in-adopt na ni Duterte ang mga resolusyon ng IATF sa isang executive order.
Sinabi na ng Philippine National Police na patuloy pa rin nilang ipatutupad ang mask mandates sa kabila ng kautusan ng Cebu provincial government.
Inilutang ang kautsan ni Garcia kahit na dahan-dahang tumataas pa rin ang COVID-19 sa Metro Manila, bagay na posibleng umabot sa 500 bago matapos ang Hunyo sabi ng OCTA Research.
Aabot na sa 3.69 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas simula 2020. Sa bilang na ‘yan, patay na ang 60,461 katao. (Daris Jose)
-
Gilas Pilipinas nasa Bahrain para sa FIBA Asia qualifiers
Nasa Bahrain na ang Gilas Pilipinas para pakikibahagi ng second round ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers. Pinangunahan nina Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi, Matt at Mike Nieto, Kobe Paras, Javi Gomez de Liano, Justine Baltazar, Juan Gomez de Liano, Dwight Ramos, Will Navarro, Dave Ildefonso, Calvin Oftana at Kenmark Carino. Tiwala […]
-
4 todas sa sunog sa printing office sa Valenzuela
NASAWI ang apat manggagawang kalalakihan sa isang printing office matapos sumiklab ang sunog sa kanilang tanggapan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Hindi muna pinangalanan ni Valenzuela Fire Marshal Supt. Ana Mae Legaspi ang apat na nasawing trabahador na na-trap makaraang sumiklab ang sunog sa pinaglilingkurang Printing Press sa 2067 Lamesa St. Brgy. […]
-
GC, nais ng mga Pilipinong matanggap na regalo sa Pasko
SA MGA Katolikong Kristiyano, ang Pasko ay “celebration of the Savior Jesus Christ”. Ito rin ay panahon ng pagmamahalan at pagbibigayan. Ikaw, anong regalo ang gusto mong matanggap ngayong Christmas? Sa isinagawang Veritas Truth Survey (VTS) sa 1,200 respondent nationwide na may petsang November 1-30, 2022, mayorya sa mga […]