Face mask sa Simbang Gabi, hinirit
- Published on December 19, 2023
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ng Simbahang Katoliko na boluntaryong magsuot ng facemask ang mga dadalo sa tradisyunal na Simbang Gabi kasunod ng pagtaas muli sa mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa circular na inilabas nitong Disyembre 15, sinabi ni Cardinal Jose Advincula na ito ay ayon sa rekomendasyon ng Ministry of Health Care ng arkidiyoseses.
Sa kabila nito, hindi umano dapat matanggalan ng kasiyahan ng Pasko ang publiko na kailangan lamang sumunod sa mga health and safety protocols para mas mabisang makapagselebra ng Pasko.
Pinaalalahanan din ng simbahan ang mga maysakit na huwag nang makihalo sa ibang tao at manatili na lamang sa bahay para magpagaling.
Dumagsa kahapon ang milyong mga Katoliko sa mga simbahan sa opisyal na pag-uumpisa ng Simbang Gabi. Nag-uumpisa ito tuwing Disyembre 16 at nagtatapos ng Disyembre 24.
Tiniyak ni Advincula na ang mga susunod na araw ay kakikitaan ng mas masaya kasabay ng puno ng pananampalataya na antisipasyon sa Pasko.
-
Ads February 11, 2020
-
3 arestado sa P68K shabu sa Valenzuela
TIMBOG ang tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang bebot sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Marvin Cruz, 42, Jefferson Ore, 27, kapwa ng Brgy. Gen. […]
-
BIR inadjust ang floor prices ng sigarilyo, vape products at iba pa
NAGLABAS ang Bureau of Internal Revenue Philippines (BIR) ng mga bagong tax update na nagre-regulate sa floor price ng Sigarilyo, Heated Tobacco, Vaporized Nicotine, at Non-Nicotine Products sa pamamagitan ng pag-isyu ng Revenue Memorandum Circular No. 49-2023 noong Mayo 5. Alinsunod sa mga umiiral na batas, ang BIR ay may mandato na magbbigay […]