• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Face shield mandatory pa rin indoor at outdoor – Palasyo

Kumambiyo kahapon ang Malacañang sa naunang pahayag at sinabing “mandatory” pa rin ang pagsusuot ng face shields sa indoor at outdoor.

Sa pamamagitan ng Twitter, inihayag kagabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na sinunod ni Pangulong Rodrigo Duterte ang payo ng mga health experts dahil sa Delta variant o ang mas nakakahawang variant ng COVID-19 na unang nakita sa India.

“Acting on the advice of health experts, and in view of the Delta variant, PRRD declares that the wearing of face shields, both indoor and outdoor, is still mandatory, “ ani Roque sa kanyang tweet.

Kinumpirma rin ni Dra. Cynthia Saloma ng Philippine Genome Center ng UP Manila na lubhang nakakahawa ang Delta variant na naging dahilan para maging mandatory muli ang pagsusuot ng face shield kahit sa labas ng gusali o tahanan.

“Nakakabahala po kasi, kasi alam natin na iyong Alpha variant is about 60% more transmissible. Pero on top of that po, itong Delta variant, mas 60% more transmissible po siya kaysa doon sa Alpha variant,” ani Saloma.

Matatandan na nagkaroon ng kalituhan tungkol sa pagsusuot ng face shield matapos kumpirmahin ni Roque ang sinabi ni Duterte kina Senate President Vicente “Tito” Sotto at Sen. Joel Villanueva na nais na lamang niyang sa loob ng ospital isuot ang face shield. (Daris Jose)

Other News
  • Libreng sakay sa MRT 3 extended hanggang June 30

    Pinatagal pa ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ng hanggang June 30.     “The Libreng Sakay program would be extended anew until June 30 to help lessen the financial burden of commuters affected by rising prices of fuel and basic commodities,” wika ng DOTr.   […]

  • Public school teachers, tatanggap ng P3,500 cash allowance ngayong Hunyo – DepEd

    Makatatanggap umano ng P3,500 na cash allowance ang mga guro sa pampublikong paaralan ngayong Hunyo.   Ayon kay Department of Education (DepEd) Usec. Annalyn Sevilla, target nilang ilabas ang allowance sa ikalawang linggo ng buwan.   “Meron pong cash allowance ang mga teachers. This is an additional benefit. It’s budgeted. It’s ready for release. We […]

  • Isabela muling maghohost ng Patafa Open

    ISASAGAWA muli ang taunang Philippine Athletic Track and Field Association (Patafa) National Open sa mistulang bahay nito sa mga nakalipas na taon bago naganap ang malawakang COVID-19 pandemic sa tinaguriang “Corn Capital of the Philippines” na Ilagan, Isabela.   “Watch out for this historic sporting event happening again in our beloved City of Ilagan this […]