‘Face shield scam’ iniimbestigahan na
- Published on August 10, 2020
- by @peoplesbalita
Iniimbestigahan na ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang mga reklamo tungkol sa “face shield online scam.”
Ito’y matapos magsilabasan sa social media ang mga post sa FB page, group at marketplace ng mga naghahanap ng daang libo at milyon na suplay ng face shield para ibenta.
Ayon sa ACG, nai-refer na nila sa kanilang Cyber Financial Unit ang nasabing asunto at kasalukuyang ginagawan na ng aksiyon.
Inaalam din nila kung may nagmamanipulate sa demand sa face shield gayundin sa presyo nito.
Siniguro ng ACG na mananagot sa batas ang mga nananamantala sa kasalukuyang sitwasyon.
Pinaalalahanan naman ng PNP ACG ang publiko na mag-ingat at suriin munang maigi ang mga pinapasok na online transactions.
Para sa mga may reklamo, maaring magtext o tumawag sa numerong 0998-598-8116 o pumunta sa website na http://acg.pnp.gov.ph at i-click ang e-complaint icon. (Ara Romero)
-
EJ Obiena, nakasungkit ng ginto sa France
Nasungkit ni EJ Obiena ang kanyang unang indoor title ngayong season matapos manguna sa Perche En Or competition sa Roubaix, France. Nakuha ng world No. 3 pole vaulter na si Obiena ang 5.82 meters sa kanyang unang pagtatangka na makuha ang gintong medalya at tinalo si Yao Jie ng China na nagtala ng personal-best […]
-
Sayaw ng sayaw habang in character sila: FAITH, kinaaliwan ang bagong Tiktok video kasama si BARBIE
VIRAL at kinaaaliwan ng mga netizens ang bagong Tiktok video ni Faith Da Silva kung san kasama niya si Barbie Forteza. Dance kung dance ang dalawa sa tugtuging ‘Beauty And A Beat’ Ang dalawang Sparkle actresses na co-stars rin sa ‘Maging Sino Ka Man.’ Ang bongga pa, hindi bilang sina Faith at […]
-
Nagkaisa Labor Coalition, humiling sa DOLE na imbestigahan ang naganap na aksidente sa construction site sa QC
PINAIIMBESTIGAHAN ng labor coalition na NAGKAISA sa Department of Labor and Employment ang naganap na insidente habang nasa lugar ng trabaho o worksite kabilang na ang pagkasawi ng isang manggagawa at ikinasugat ng 10 iba pa sa construction site sa Quezon City. Ang panawagan ay ginawa ni Nagkaisa Chair Sonny Matula kasunod na […]