• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FACE SHIELDS, BARRIERS, ROADBLOCKS, CURFEW SA PANAHON ng PANDEMYA, ATBP.

Pinatupad na sa public transport ang “no face mask, no face shield, no ride” policy. Sa mga mangagawa ay ipinagutos na rin ang pagsuot ng face shield. May ilang business establishments na may polisiya na rin ng “no mask, no face, shield no entry.

 

 

Kaya naman nagsisiguro na ang ating mga mamamayan na magsuot ng face mask at face shield para sigurado na nga naman! Yun dating “encouragement”o paghikayat na magsuot ng face shield ay mukhang naging “requirement”na.

 

 

Dahil dito ay namigay ng sariling gawang faceshield ang Lawyers for Commuters Safety and Protection(LCSP) at ‘Ang Bumbero’ng Pilipinas sa mga pasahero at manggagawa. Ilang LGU at NGO na rin ang sumunod at namigay na rin ng libreng face shields.

 

 

Samantala, inalis naman ng IATF ang polisiya na gumamit ng barrier sa mga family-used motorcycles kapag ang rider at naka-angkas ay ‘members of the samehousehold.  Matatandaang pinalagan natin ang polisiyang ito mula pa nung una.  Ito ang panukala noon pa ng LCSP!

 

 

Pero itinuloy pa rin ang nasabing polisiyang kaya imbes matuwa ay binatikos ito ng mga may-ari ng motorsiklo dahil sa gumastos na sila tapos babawiin rin pala.

 

 

Ganyan ang mga polisiyang hindi gaanong pinagaralan bago ipatupad.   Ang isa pang dapat alisin ay ang mga road barriers sa mga kalye. Mistulang mga pang-gyera ang mga ito na humaharang sa daloy ng trapiko.

 

 

Kung ang objective nito ay para walang makapasok na ibang tao o sasakyan ay hindi rin nangyayari dahil may nadadaanan din namang iba para makakapasok sa kalyeng sinarahan.

 

 

Piliin na lang talaga ang kalyeng dapat isara at huwag gawing pahirap sa mga residente at motorista ang mga barriers.  Ang curfew naman ay mananatili dahil sa nakatutulong din ito sa pagbaba ng krimen at umuuwi sa bahay ng maaga ang mga tao.

 

 

Maraming salamat sa mga sumusunod sa pagtulong sa paggawa at pamimigay ng libreng faceshields – ‘Ang Bumbero ng Pilipinas’ sa pangunguna ni Chairman Leninsky Bacud, Robert Garcia, Squidpay, Marvin dela Cruz at Riverforest Development Corporation at mga LCSP at ABP volunteers. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • GC, nais ng mga Pilipinong matanggap na regalo sa Pasko

    SA MGA Katolikong Kristiyano, ang Pasko ay “celebration of the Savior Jesus Christ”.     Ito rin ay panahon ng pagmamahalan at pagbibigayan.     Ikaw, anong regalo ang gusto mong matanggap ngayong Christmas?     Sa isinagawang Veritas Truth Survey (VTS) sa 1,200 respondent nationwide na may petsang November 1-30, 2022, mayorya sa mga […]

  • ‘Floating employee’ maaring maghanap ng alternatibong trabaho – DOLE

    NILINAW ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maaaring maghanap ng alternatibong trabaho ang mga manggagawa na nasa “floating status.”   Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Benavidez nakasaad sa DOLE’s Department Order (DO) No. 215, Series of 2020 na hindi mawawalan ng trabaho ang mga empleyado kahit nakahanap sila ng alternatibong trabaho habang nasa […]

  • Public hearing sa NCR minimum wage hike, itinakda sa Hunyo 20

    ITINAKDA na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board–National Capital Region (RTWPB-NCR) ang pagdaraos ng public hearing sa minimum wage adjustment sa Hunyo 20.       Sa abiso ng RTWPB-NCR, nabatid na idaraos ang naturang public hearing dakong alas-9:00 ng umaga sa Occupational Safety and Health Center sa Quezon City.       Nabatid […]