• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Face-to-face classes, napapanahon na — Pangulong Marcos

WALA nang makakapigil sa pagbabalik ng “full face-to-face” classes matapos itong banggitin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

 

 

Ayon kay Marcos, na­niniwala siya na panahon na para bumalik sa mga silid aralan ang mga estudyante.

 

 

“In the educational sector, I believe it is time for our children to return to full face-to-face classes once again,” ani Marcos.

 

 

Sinabi rin ni Marcos na pinaghahandaan na ito ng Department of Education sa pangunguna ni Vice President Sara Duterte pero ikinokonsidera rin ang kaligtasan ng mga estudyante dahil nasa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic ang bansa.

 

 

 

Pinatitiyak din ni Marcos ang kaligtasan hindi lang ng mga estudyante kundi ng mga guro at buong academic community sa pagbabalik ng face-to-face classes.

 

 

Muling hinikayat ni Marcos ang lahat na magpaturok ng booster shots bilang paghahanda sa in-person classes.

 

 

Ito ang dahilan kung bakit ipinag-utos niya sa Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na magsagawa ng panibagong rollout   ng booster shots.

 

 

Idinagdag ni Marcos na nagsasagawa na rin ng pag-aaral sa K-12 school system.

Other News
  • Mga paliparan, pantalan at terminal sa Metro Manila ininspeksiyon ng NCRPO

    PERSONAL na ininspeksyon nitong Linggo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Major General Edgar Alan Okubo ang mga paliparan, daungan at terminal sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na mag-uuwian para sa Semana Santa. Inalam ni Okubo ang sitwasyon sa seguridad sa NAIA T3, Five Star Bus Liner, Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), […]

  • Napagkuwentuhan din nila ni Iñigo: RURU, natuwa na alam ni PIOLO na inaanak siya sa binyag

    KAHIT kami ay nagulat nang malaman namin na ninong pala ni Ruru Madrid sa binyag si… Piolo Pascual!     Sa mga hindi nakakaalam, dating modelo ang ama ni Ruru na si Bong Madrid, na noong kabataan ay napakaguwapo ring tulad ni Ruru.     At nagkataon na matalik na magkaibigan sina Bong at Piolo […]

  • Panalo ni Mayor Lacuna Kasabay ng Ika-450 Taong Araw ng Maynila

    KASABAY ng pagdiriwang ng ika-450 taon anibersaryo ng pagkakatatag sa lungsod ng Maynila ay ang pag-upo ng kauna-unahang babae at doktor na Alkalde sa kabisera ng bansa.     Si Vice Mayor at Mayor elect Dra. Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, na kauna-unahang babae at doktor na Alkalde sa lungsod ng Maynila ay magsisimulang manungkulan sa […]