• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Face-to-face classes sa ilalim ng basic education curriculum, “may happen sooner than expected” – Malakanyang

IBINALITA ng Malakanyang na ang pilot implementation ng face-to-face classes sa ilalim ng basic education curriculum  “may happen sooner than expected” dahil ang mga bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) ay dumarami na.

 

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos iulat ng National Task Force (NTF) against COVID-19 na ang pamahalaan ay nakapagbakuna na ng 11.7 million doses ng coronavirus vaccines “as of July 4.”

 

Aniya ang desisyon ni Pangulong Duterte na huwag munang magdaos ng face to face classes ay dahil sa banta ng COVID-19.

 

“The President has decided that for now, with the presence of new variants, ayaw muna niyang isugal ‘yung kalusugan ng mga kabataan (He doesn’t want to put the children’s health at risk). But this will not be the same forever,” ayon kay Sec. Roque.

 

Inulit ni Sec. Roque na nais ni Pangulong Duterte na mas maraming tao ang mabakunahan bago pa magdesisyon na ibalik ang face-to-face classes.

 

“Ang sabi naman ng Presidente, ‘Gusto ko munang mabakunahan ang ating mga taumbayan.’ As to how many, hindi natin sigurado po,” aniya pa rin.

 

“But with 12 million of our people being vaccinated and with some cities of Metro Manila hitting 70, even 100 percent of their population being given the first dose, sabihin natin na hindi naman po magtatagal at baka posibleng magkaroon na tayo ng pilot,” dagdag na pahayag.

 

“Antayin lang natin ma-administer pa itong mga bakuna na ito,” ani Sec. Roque.

 

“As of July 4,” ang pamahalaan ay nakapag-administer ng 11,708,029 doses ng COVID-19 vaccines na may 2,868,905 indibidwal na nakatanggap ng dalawang required shots.

 

Ang kabuuang doses na naibakuna sa 18th week ng national vaccination ay umabot sa record high na 1,642,615 doses.

 

Samantala, hinikayat naman ng gobyerno ang lahat ng nabibilang sa priority groups na A1 hanggang A5 na magparehisto sa kanilang local government units, magpabakuna na at kompletuhin ang required number ng doses gaya ng itinakda.

 

Palagi namang ipinaaalala ng Malakanyang sa publiko na ipagpatuloy lamang ang pagsunod sa minimum public health standards, kahit ano pa ang vaccination status, upang maiwasan na kumalat ang COVID-19. (Daris Jose)

Other News
  • Malakanyang, umaasang pagpasok pa lamang ng 2021 mayroon nang maaprubahang Covid-19 vaccine ang FDA-abroad

    NANANALIG ang Malakanyang na pagpasok pa lamang ng buwan ng Enero ng susunod na taon, ay mayroon nang ma-aprubahang Covid19 vaccine ang food and drug administration sa ibang bansa makaraan ang third at final clinical trial.   Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay kasunod ng naunang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa […]

  • Bulacan, wagi sa Good Financial Housekeeping

    LUNGSOD NG MALOLOS- Humakot ng parangal ang Lalawigan ng Bulacan kasabay ng paggagawad sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, 21 bayan at tatlong lungsod ng 2019 Good Financial Housekeeping ng Department of the Interior and Local Government.   Nagawa ng mga pumasang lokal na pamahalaan na tumalima sa Full Disclosure Policy o ang pagpapaskil ng dokumentong […]

  • 2 EXTORTIONIST TIMBOG SA ENTRAPMENT OPERATION SA CALOOCAN

    TIMBOG sa ikinasang entrapment operation ng pulisya ang dalawang extortionists, kabilang ang isang babae na humihingi ng P5 milyon sa isang customs broker kapalit ng hindi pagsama sa kanyang pangalan mula target na papatayin na mga customs opisyal sa Caloocan City.     Ayon kay P/Lt. Col. Jay Dimaandal, hepe ng District Special Operation Unit […]