• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Face-to-face internship at clinical clerkship rotation sa NCR, suspendido na

Napagdesisyunan ng Association of Philippine Medical Colleges na suspendihin ang pagsasagawa ng face-to-face internship at clinical clerkship rotation sa mga ospital na nasa National Capital Region (NCR).

 

 

Ito’y kasunod ng muling pagsirit ng naitatalang coronavirus diseases cases sa bansa.

 

 

Sa isang abiso, inilahad nito na ipagpapatuloy virtually ang lahat ng learning activities.

 

 

Sa mga rehiyon naman na nasa labas ng NCR kung saan tumataaas din ang COVID-19 cases, maaari aniyang magdesisyon ang mga hospital directors kung sususpendihin din nila ang face-to-face rotation alinsunod sa anunsyo ng APMC o impormasyon mula sa national government, Department of Health(DOH), Inter Agency Task Force o local government units.

 

 

Para naman sa clinical clerkship programs, sinabi ng APMC na wala itong partikular na direktiba para sa Commission on Higher Education (CHEd), kaya ang suhestyon nito ay ang mga deans ng mga ospital ang magdedesisyon kung dapat na rin ba nilang suspendihin ang face-to-face rotation.

 

 

Nagpaalala naman ang APMC sa lahay na sundin ang Universal Pandemic Precaution (UPP) kaugnay ng pagsusuot ng face mask, face shield, physical distancing, paghuhugas ng mga kamay, at disinfection.

 

 

Inabisuhan na rin nito ang mga indibidwal na maaaring magpabakuna laban sa COVID-19 na magpaturok na bilang dagdag proteksyon mula sa nakamamatay na virus. (Gene Adusuara)

Other News
  • Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), binatikos ang ginawang pagbaba sa taripa

    BINATIKOS  ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) ang ginawang pagbaba sa taripa na ipinapataw sa pag-aangkat ng bigas mula India na dating 50% taripa ay 35% na lamang ngayon.     Tugon umano ito sa naulinigang plano ng Thailand at Vietnam na taasan ang presyo ng kanilang bigas at magtaguyod ng rice cartel. […]

  • Metro Manila malapit ng magkaroon ng 6 police districts

    MALAPIT ng magkaroon ng anim na police district ang National Capital Region (NCR) kasunod ng panukalang Caloocan City Police District (CCPD) na nangangailangan lamang ng green light mula sa National Police Commission (Napolcom).     Ayon kay City Police Station chief Col. Ruben Lacuesta na ang panukala ay matagal nang isinumite ng mga nakatataas sa […]

  • HALOS 2 MILYONG HALAGA NG SHABU NASAMSAM SA BUY BUST SA CAVITE

    TINATAYANG halos P2 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasasam sa pagkakaaresto ng tatlong katao kabilang ang nominee ng isang party List at isang menor de edad sa isang buy bust operation sa Dasmarinas City, Cavite Lunes ng hapon.     Kinilala ang mga naaresto na sina Asrap Kamad Kasan Datu (ASRAP) , Nominee Partylist  […]