• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Facebook live shopping, tatanggalin na simula Oktubre

TATANGGALIN  na ng Meta ang kanilang “live shopping feature” sa Facebook umpisa sa Oktubre 1.

 

 

“Beginning on October 1, 2022, you will no longer be able to host any new or scheduled Live Shopping events on Facebook,” ayon sa Meta.

 

 

Maaari pa rin naman na makapag-live broadcast ang FB users, pero hindi na sila maaaring makalikha ng “product playlists” o makapag-tag ng mga produkto.

 

 

Umaasa naman ang mga live sellers na patuloy silang makakapaghanapbuhay gamit ang feature na ito ng Facebook. Kumikita ang mga negosyante sa live selling sa pagpiprisinta ng kanilang produkto at pagma-mine naman ng interesadong buyers.

 

 

Marami sa mga live sellers na ito ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya at umaasa sa online selling habang iba naman ay sinusuportahan ang kanilang pag-aaral.

 

 

Sinabi ni Armand Bengco, isang financial expert, na ang pan­demya ang nagtulak sa maraming Pilipino na magnegosyo sa internet dahil sa dami ng taong may account lalo na sa Facebook.

 

 

Isa sa mas kilalang online selling apps ay kumikita ng US$17 ­bilyon noong 2021 lamang, kaya maging mga kum­panya ay ikinokonsidera na rin ang pag-arkila sa serbisyo ng mahuhusay na live sellers.

 

 

Isa sa dahilan ng Meta sa pagtanggal sa online shopping ay ang pagbabago sa pre­ference ng mga netizens na mas nais ngayon ang maiigsing mga videos kaya mas tututok sila ngayon sa Reels sa ­Facebook at Instagram. (Daris Jose)

Other News
  • 111 milyong Pinoy naserbisyuhan ng PhilHealth

    NASA 111 milyong Pinoy sa buong bansa ang naserbisyuhan na ng PhilHealth.     Ang ulat ay isinagawa sa ipinatawag na virtual press conference ng mga opisyal ng PhilHealth sa pangunguna ni President and CEO Atty. Dante Gierran, VP Dra. Shirley Domingo, EVP and COO Atty. Eli Dino Santos, SM Rex Paul Recoter, Dra. Mary […]

  • Pag-aaral sa umento sa sahod ng mga gov’t workers’, posibleng matapos ngayong Hunyo

    SINABI ng Department of Budget and Management (DBM) na ang nagpapatuloy na pag-aaral para sa posibleng umento sa sahod ng mga manggagawa sa gobyerno ay target na makumpleto sa pagtatapos ng Hunyo ngayong taon. Sa isang kalatas, sinabi ng DBM na ang Compensation and Benefits Study para sa salary adjustments ng mga manggagawa sa gobyerno […]

  • Ads May 20, 2023