Facebook, lumalabas bilang ‘accessory to a crime’ dahil sa hindi pagba-block sa e-sabong — DILG
- Published on June 3, 2022
- by @peoplesbalita
LUMALABAS na “accessory to a crime” ang social media giant Facebook dahil hindi nito binlock ang e-sabong o online cockfighting sa platform nito.
Nagpahayag ng pagkadismaya si Interior Undersecretary Jonathan Malaya dahil hindi man lamang nakakuha ng kahit na anumang tugon ang DILG sa kanilang request na i- block ang Facebook pages na nago-operate ng e-sabong.
“Kami po ay nadidismaya. We are disappointed dahil kung sila ay mag-shut down ng ibang pages mabilis but in this case, it’s as if they’re tolerating illegal activity in the Philippines,” ayon kay Malaya sa Laging Handa public briefing.
“Para po silang lumalabas ay accessory to one illegal activity because Facebook is a venue for illegal activity, ito nga pong illegal e-sabong,” ayon kay Malaya.
Dahil dito, nagpahayag ng pagkabahala si Malaya lalo pa’t ang Facebook “is a business entity operating in the Philippines and they are bound by the laws of the Philippines.”
Matatandaang, nagdesisyon na si Pangulong Duterte na ipatigil na ang operasyon ng E-Sabong matapos pagbasehan ang ginawang survey at validation ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kung saan napatunayan na ang E-Sabong ay labag sa moralidad ng sambayanang pilipino.
Ayon sa Pangulo, maraming nalululong sa sugal na E-Sabong na nakakaapekto na sa buhay at kabuhayan ng bawat pamilya.
Inihayag ng Pangulo na kaya niya pinahintulutan noon ang operasyon ng E-Sabong ay dahil sa kita at pakinabang ng gobyerno sa ibinabayad na buwis dahil kailangan ng pamahalaan ang dagdag na pondo. (Daris Jose)
-
Holyfield bagsak sa kamay ni Belfort
Pinabagsask ni dating mixed martial arts fighter Vitor Belfort si dating boxing champion Evander Holyfield. Sinamantala ng 44-anyos na Brazilian MMA fighter ang pagiging kahinaan ng 58-anyos na si Holyfield. Hindi naman kuntento si Holyfield sa naging resulta ng laban. Magugunitang si Oscar Dela Hoya sana ang makakaharap sana […]
-
Kyrie Irving nagbuhos ng 50-pts sa panalo ng Nets vs Hornets
NAGBUHOS ng 50 points ang NBA superstar na si Kyrie Irving upang pangunahan ang Brooklyn Nets sa panalo laban sa Charlotte Hornets, 132-121. Sa init ng kamay ni Irving nagpasok din ito ng siyam na three pointers upang tulungan ang Brooklyn na matuldukan ang apat na sunud-sunod na talo. Batay sa […]
-
Ads November 28, 2020