Facebook, patuloy na nagpa-flag, delete, ‘spam’ ng mga PNA posts
- Published on April 27, 2022
- by @peoplesbalita
SA KABILA ng kawalan ng paghingi ng paumanhin dahil “nagkamali”, patuloy naman ang ginagawa ng social media giant Facebook (Meta) na pagbawalan ang mga netizens na mag-post at mag-share ng mga piling stories o istorya mula sa Philippine News Agency (PNA) website para sa di umano’y paglabag laban sa “community standards”.
Sabado ng hatinggabi nang magsimula ang Facebook na mag-flagged ng multiple posts at alisin ang mga dati nang shared contents ng state-run PNA at Radyo Pilipinas.
Linggo naman ng hapon, ang individual account-sharers ng PNA articles, kabilang na ang PNA reporters at editors, ay sinabihan na ang kanilang flagged posts ay naka-restored habang ang links mula sa website ay pinayagan para sa sharing.
Gayunman, lumutang naman ang kahalintulad na isyu araw ng Lunes at ang posting time ay hindi naresolba.
Sinabihan ng Facebook ang PNA na ito’y “technical issue.”
Ang isang partikular na post na na- flagged ng Facebook ay ang reaksyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa isyu.
Nauna rito, binalaan Facebook si National Security Adviser (NSA) Hermogenes Esperon, Jr. dahil sa kanyang post kung saan nanawagan siya sa mga Pilipino na magkaisa laban sa mga miyembro ng communist rebels “who have infiltrated the Congress,” ayon sa tagapagsalita ng anti-insurgency task force nitong Miyerkules.
Sinabi ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Jonathan Malaya na nakababahala ang babala ng Facebook kay Esperon.
“The imprudence of FB to warn Secretary Esperon on a national security issue is unthinkable and downright offensive as the social media platform has taken on the role of Big Brother with the power to censure the social media posts of the NSA himself on matters of national security,” aniya.
“This move of FB is alarming, if not dangerous, as it has appointed itself as an omnipotent force that can censure at their discretion — based on standards that they themselves created — the legitimate posts of highly respected officials of the country,” dagdag ni Malaya.
Base pa kay Malaya, kinuwestiyon ng NTF-ELCAC ang Facebook at ang umano’y may kinikilingan nitong fact-checkers sa pagtuon sa ilang government officials subalit hinahayaan lamang ang iba.
Dahil dito, inihirit umano ng NTF-ELCAC sa Facebook na rebyuhin at rebisahin nito ang “one-sided” na mga pamantayan na diumano’y pumapanig lamang sa mga makapangyarihan.
“The DILG denounces Facebook and its biased fact-checkers for their imprudence and audacity to issue a warning to no less than the country’s NSA Hermogenes Esperon, Jr. for his FB post on April 14, 2022 urging all Filipinos to unite to end the Communist insurgency,” giit ni Malaya.
Samantala, sa isang Facebook post, kinuwestiyon ni Esperon ang aksyon ng social media giant, at sinabing mas marami siyang alam kumpara rito ukol sa mga usaping seguridad ng bansa.
“I should know better than you do on matters of national security,” saad sa post niya nitong Lunes.
“How come I was restricted by Facebook when I shared a status about ending the insurgency in the country? As the NSA, I sure know what I’m talking about and have basis for it. How did I violate the community standards when I only shared the truth,” aniya pa.
Batay sa screenshot, narito ang post ni Esperon na tinutukoy ng Facebook:
“In ending insurgency, the Filipinos must unite against armed struggle and against all organizations, aboveground and underground, that support the New People’s Army, including Communist Party (CPP) members who have infiltrated the Congress through the partylist system…” saad sa post. (Daris Jose)
-
Casino Pin Up Azərbaycan Qeydiyyatdan Keçin Casino Pin Up Azərbaycan Qeydiyyatdan Keçinİlk saat ərzində istənilən məbləğ 120%, daha sonra 100% artırılacaqdır. Content How To Download A Pin Up Apk For Android? Uygulamayı Bir Android Telefona Yükleme Pin Up Casino Promosyon Kodu Və Bonus 🎮 Pin Up Casino Mahiyyət Məqamları Pin Up Casino Qeydiyyat Pin-up Aviator: Oyun Qaydaları Və Strategiyalar Pin Up […]
-
GSIS, naglaan ng P1.5B para emergency loans sa dengue-hit areas sa E. Visayas
NAGLAAN ang state workers’ pension fund Government Service Insurance System (GSIS) ng P1.5-billion na emergency loans para tulungan ang mga miyembro at pensiyonado nito sa iba’t ibang lalawigan sa Eastern Visayas, mga idineklarang calamity areas dahil sa tumaas na bilang ng kaso ng sakit na dengue. Sa isang kalatas, sinabi ng GSIS na […]
-
Ads May 30, 2022