• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FACESHIELD MANADATORY SA MGA KAWANI NG NAVOTAS

IPINAG-UTOS ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na mandatory na ang pagsusuot ng face shield sa lahat ng mga empleyado ng pribadong kumpanya pati na rin sa mga kawani ng local na pamahalaan.

 

Sinabing alkalde na maliban sa pagsusuot ng face mask, karagdagang safety measuresdin ang pagsusuot ng face shield, hindi lamang para sa mga pasahero ng mga pampublikong sasakyan, kundi sa lahat ng mga manggagawa at empleyado sa lugar ng kanilang mga trabaho.

 

Aniya, batay sa pag-aaral ng mga dalubhasa, nababawasan ng 78% ang tsansang mahawaan tayo ng virus kapag may gamit na face mask at face shield.

 

“Hangad natin na makatulong ito para mas bumaba pa ang bilang ng mga nahahawaan,” ani alkalde.

 

Kaugnay nito, namahagi si Navotas City Congressman John Rey Tiangco face mask, disinfection kits at mga  safety stickers sa lahat ng mga driver ng tricycle at pedicab na mga miyembro ng iba’t ibang samahan ng mga driver sa lungsod.

 

Pinayuhan din sila ng mambabatas na palaging i-disinfect ang kanilang mga sasakyan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

 

Ayon naman sa ulat ng City Health Office hanggang 8:30pm ng August 16, nasa 90 ang nadagdag na nagpositibo kaya’t sumampa na sa 3,798 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, 1,297 dito ang active cases. 184 naman ang mga bagong gumaling kaya’t 2,392 na ang kabuuang bilang ng mga recoveries habang nanatili naman sa bilang na 109 ang mga namatay. (Richard Mesa)

Other News
  • Anya Taylor-Joy is ferocious as Furiosa in “Furiosa: A Mad Max Saga”

    “There’s something resolute, highly determined, and ultimately ferocious that’s in her. And that’s seen on the screen,” director George Miller describes watching Anya Taylor-Joy in action as the titular character in Furiosa: A Mad Max Saga, the latest installment in the epic post-apocalyptic Mad Max franchise.       Watch the trailer here: https://youtu.be/1Qt4Z25kdiE   […]

  • IATF, niratipikahan ang panukala na i-endorso ng DoT na magtayo ng temporary public walk-in at drive-thru vaccination centers

    NIRATIPIKAHAN kahapon sa Inter-Agency Task Force (IATF) meeting ang panukala na i-endorso ng Department of Tourism na magtayo ng temporary public walk-in at drive-thru vaccination centers na nasa bakanteng lote ng Nayong Pilipino property sa Parañaque City.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito ang napagkayarian sa IATF meeting kahapon.   Kung okay […]

  • DOTr, Chinese joint venture , tinintahan ang P142-billion contract para sa PNR Bicol project

    NILAGDAAN ng Department of Transportation (DOTr) at isang joint venture ng tatlong Chinese companies ang multibillion-peso contract para sa pagtatayo ng first package ng Philippine National Railways South Long Haul project (PNR Bicol).     Sa isang kalatas, sinabi ng DOTr na pinirmahan ni Transportation Secretary Arthur Tugade, noong Enero 17 ang “single largest rail […]