• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Facility quarantine sa asymptomatic, mild COVID cases mandatory na – IATF

INOOBLIGA na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga positibo sa COVID-19 na asymptomatic at mild ang sintomas na ma-quarantine sa mga pasilidad na aprubado ng gobyerno.

 

Sinabi ni Presidential Spokes- man Harry Roque, nakapaloob ito sa IATF Resolution No. 74 kung saan nakasaad na mandatoy sa asymptomatic at mild cases ang facility-vase quarantine maliban sa mga pasyenteng itinuturing vul- nerable o may comorbidities o maaaring komplikasyon.

 

Ayon kay Sec. Roque, may ex- ception din kung ang mga Ligtas COVID-19 Centers sa isang rehiyon ay okupado na at walang sapat na isolation facilities ang local government unit (LGU).

 

“We likewise notify the public that facility-based isolation shall be required for confirmed asymptomatic and mild COVID- 19 cases, except where, as confirmed by the local health officer, the patient is considered vulnerable or having comorbidities and that his/her home meets the conditions specified in the Department of Health and the Department of the Interior and Local Government Joint Administrative Order 2020-0001,” ani Sec. Roque. (Ara Romero)

Other News
  • Ipinagpapalagay na tungkol sa married life niya: Caption ni HEART na ‘stay hopeful while waiting for the sun’, parang double meaning

    FEEL namin talaga na among the new generation of singers, ang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano ay si Darren Espanto ang numero una na hinahangaan niya.     Ilang beses na rin na talagang all-out ang papuri at paniniwala ni Gary sa talento ni Darren.     At magkasama sila sa ASAP in […]

  • Dalang baril ng lalaki buking nang masita sa yosi sa Caloocan

    BAGSAK sa kalaboso ang isang lalaki matapos mabisto ang dalang baril makaraang masita ng mga pulis dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City.     Sa nakarating na report kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Police Sub-Station 13 sa Phase 2, Bagong Silang, Brgy. 176 dakong […]

  • Sa opening ceremony ng ‘Paris 2024 Olympics’… Performances nina CELINE DION at LADY GAGA, nag-viral

    NAG-VIRAL ang performances nina Celine Dion at Lady Gaga sa opening ceremony ng Paris 2024 Olympics.     Si Lady Gaga ang nagbukas ng ceremony with a rendition of Zizi Jeanmaire’s “Mon Truc En Plumes” habang nasa stairs ng Seine River. Surrounded by pink feathers, Lady Gaga kicked on a chorus line and played on […]