FAJARDO, 7 PA OUT SA PBA PH CUP
- Published on October 9, 2020
- by @peoplesbalita
WALA nang atrasan pa ang 45 th Philippine Basketball Association o PBA Philippine Cup 2020 eliminations restart sa Linggo Oktubre 11 sa Angeles University Foundation gym sa Angeles City, Pampanga.
Nasa Clark Freeport Economic Zone bubble na rin ang buong delegasyon ng PBA, sa pangunguna ng 12 teams na kalahok sa all-Pinoy conference. Nagsimulang magdatingan ang delegasyon noon pang Okt. 5.
Wala sa bubble si San Miguel Beer center June Mar Fajardo sa pagpapagaling pa ng six-time MVP mula sa nabaling alulod nitong Pebrero, sa susunod na sea- son na inaasahang makakabalik ang 6-foot-10 cager.
Absent ang teammate ni June Mar na si Matt Ganuelas-Rosser na nananatili pa sa US dahil sa lockdown bunsod ng Covid-19.
Hindi rin kasali para Magnolia Chicken sina Jean Marc Pingris na may injury at Peter June Simon na nagpasyamag- retire na.
Ang iba pang out sa restart ay sina Joachim Gunter (Sonny) Thoss na nag-retiro na rin ng Alaska Milk, Larry Fonacier at Cyrus Baguio na opt out ng NLEX, at injured Robert Bolick ng NorthPort.
Hanggang gitna ng Disyembre may kokoronahang kampeon sa nag-iisang torneo ng 45th season na shortened ng pandemic at natigil noon pang Marso.
Itutuloy ng PBA ang torneo na kinansela ni PBA Commissioner Wilfrido Marcial noong Marso 11 nang mag-lockdown sa bansa. Nakakaisang laro pa lang sa all- Filipino, ang 94-78 win ng Beermen sa Hotshots. (REC)
-
MISIS TODAS, MISTER KRITIKAL SA ISUZU WING VAN
NASAWI ang isang misis habang nasa kritikal naman na kalagayan ang kanyang mister matapos ng isang Isuzu aluminum wing van salpukin ang kanilang sinasakyang bisikleta sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Si Warlita Samano, nasa hustong gulang at residente ng 74 Orchids St. Brgy. Longos, Malabon City ay died on the spot sanhi […]
-
Higanteng Christmas tree sa Navotas, pinailawan
IPINARAMDAM na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa kanilang mga mamamayan na ‘Pasko na sa Navotas’ sa pamamagitan ng pagpapailaw nito sa heganting Christmas tree. Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco at ng kanyang pamilya ang taunang pagpapailaw sa naturang higanteng Christmas tree na matatagpuan sa Navotas Citywalk and Amphitheater at fireworks display […]
-
3 laro ang magbubukas sa PBA Philippine Cup
TATLONG sultada ang magtataas ng kurtina sa 46th Philippine Basketball Association Philippine Cup 2021 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City sa Biyernes Hulyo 16. Sinapubliko ng professional hoop league Huwebes ang skedyul makaraang walang magpositibo sa Covid-19 base sa RT-PCR tests ng 10 team at mga tauhan ng liga na ginawa noong […]