• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fajardo nakalikom ng P25-K sa paglalaro ng DOTA 2 na itutulong sa mga nasalanta ng bagyo

Nakalikom ng halos P25,000 ang inilunsad na game channel ni PBA star June Mar Fajardo para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo.

 

Naisip ni Fajardo mag-livestream ng kaniyang laro sa DOTA 2 para makalikom ng pondo na pantulong.

 

Dagdag pa nito na wala itong inilaan na minimum  na halaga kung magkano ang puwedeng itulong.

 

Pagtitiyak nito na magiging transparent siya sa perang nalikom na itutulong sa mga nasalanta ng bagyo.

 

Kasalukuyang namimili ito ng organisasyon na maghahatid ng nasabing tulong sa mga nasalanta ng pagbaha.

Other News
  • Kongreso tutulong sa PSC

    HANDA ang Congress Committee on Youth and Sports Development na suportahan ang Philippine Sports Commission (PSC) sa hihinging P182M badyet para sa kampanya ng bansa sa 32nd Summer  Olympic Games 2021 sa Topkyo, Japan.   Base ito sa committee regular meeting nitong Miyerkoles na ginanap sa House of Representatives sa Quezon City.   Inesplika ni PSC […]

  • Maingay na videoke, karaoke, tv at radio, bawal

    MAKARAANG ipasa ng Local na Pamahalaan ng Navotas ang City Ordinance No. 2020-41, pormal nang ipinagbawal sa lungsod ang paggamit ng videoke at karaoke machines na anumang makalilikha ng labis at nakapangbubulahaw na ingay sa mga araw na may online classes ang mga estudyante.   Ang pagamit ng radyo, telebisyon, instrumentong pangmusika at iba pa […]

  • NBA star Vince Carter bilib sa Pinoy artists

    Nahirang ang dalawang Pinoy artists na manguna sa paggawa ng obra ng nagretirong si NBA star na si Vince Carter.   Matutunghayan ang gawa nina Jayson Atienza at AJ Dimacurot na nakadisplay sa tribute website na ginawa para kay Carter.   Nagpasalamat si Atienza dahil isa siya sa 15 mga artist sa buong mundo na […]