Fajardo papuwede na sa Abril – Austria
- Published on January 29, 2021
- by @peoplesbalita
INALIS ni Leovino ‘Leo’ Austria ang agam-agam ng mga Philippine Basketball Association (PBA) at Beermen fan sa pag-absent ni June Mar Fajardo sa Gilas Pilipinas para sana sa 30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup 2021 Qualifiet third window sa Clark sa Pebrero 15-23.
Ginarantiyahan ng San Miguel coach na sigurado naman ang pagbabalik ng six-time pro league Most Valuable Ppalyer (MVP) para sa 46th PBA 2021 Philippine Cup na nakatakdang mag-umpisa parating na Abril 9.
Isinalaysay ang kaganapan ng veteran cage mentor nitong isang araw, na makakalaro ang 31 taong-gulang, 6-10 na sentro, base na rin sa pagsusuri ni orthopedic surgeon Dr. George Raul Canlas.
Lumiban nakaraang season ng unang Asia’s play-for-pay hoop ang franchise player ng serbesa dahil sa leg injury noong Pebrero 2020.
“Before the holidays I was able to talk to Dr. Canlas, asking the situation June Mar had. He told me definitely. He could return and play in the next season,” bigkas ni Austria, 62.
Dinagdag pa ng beteranong bench strategist, “So, maganda ang result ng kanyang healing process and it’s a matter of time to strengthen those muscles supporting his legs. I think by the end of this month, he’s ready to have another workout.” (REC)
-
Rockets sabog sa Lakers
Pinabagsak ng Los Angeles Lakers sa pangunguna ng super tandem nina LeBron James at Anthony Davis ang nanghihinang Houston Rockets, 110-100, sa Game 4 ng kanilang NBA playoffs best-of-seven semifinals series na ginaganap sa bubble sa pasilidad ng Walt Disney sa Orlando, Florida. Hindi na pinaporma ng Lakers ang Rockets simula 1st quarter hanggang 4th […]
-
Nagpapasalamat sa effort ni Angeline na dumalaw: KRIS, nakikipaglaban pa rin kaya ‘di priority ang lovelife
NAGPAPASALAMAT nang labis-labis si Queen of All Media Kris Aquino sa naging sa effort ni Angeline Quinto na dumalaw sa kanyang bahay sa Amerika, katulad ng ginawa kamakailan ng anak-anak na si Kim Chiu. Sa Instagram post ni Kris, kasama ang video na mapapanood si Angeline na kinantang muli ang theme song ng […]
-
Lolo tigbak sa mixer truck
Todas ang isang 64-anyos na lolo matapos mahagip ng mabilis ang takbo na mixer truck sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, binawian ng buhay habang ginagamot sa Jose Reyes Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo ang katawan ang biktimang si Joey Maguire ng […]