• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Falcon posible pa maging super typhon habang papalabas ng PAR-PAGASA

NAPANATILI ng Typhoon Falcon ang lakas nito habang kumikilos pa-kanluran hilagang kanluran patungo sa dagat timog silangan ng Okinawa Islands, sabi ng state weather bureau.

 

 

Naobserbahan ang mata ng Typhoon Falcon 875 kilometro silangan hilagangsiilangan ng extreme northern Luzon 10 a.m. ng Martes, ayon sa PAGASA.

 

Lakas ng hangin: 175 kilometro kada oras malapit sa gitna

Bugso ng hangin: hanggang 215 kilometro kada oras

Direksyon: pakanluran hilagangkanluran

Pagkilos: 20 kilometro kada oras

 

 

“Falcon is potentially at its peak intensity at this time and likely to maintain its strength for the next 48 hours, although intensification into a super typhoon is not ruled out,” wika ng PAGASA kanina.

 

 

“Falcon is forecast track west northwestward and begin decelerating as it approaches the waters southeast of Okinawa Islands. On the track forecast, the typhoon may exit the PAR region this afternoon or evening.”

 

 

Samantala, may posibilidad na magtaas ng tropical cyclone wind signal sa Batanes buhat ng napakalaking “wind field” ng typhoon.

 

 

Kung saka-sakali, pinakamataas na rito ang Signal No. 1.

 

 

Maaari ring magdala ng paminsan-minsang monsoon rains sa kanlurang bahagi ng Luzon sa susunod na tatlong araw buhat ng Hanging Habagat na pinalakas ng bagyong “Falcon.”

 

 

“Forecast rainfall are generally higher in elevated or mountainous areas,” dagdag pa ng state weather bureau.

 

 

“Under these conditions, flooding and rain-induced landslides remains highly likely especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazard as identified in hazard maps and in localities that experienced considerable amounts of rainfall for the past several days.”

 

 

Maaari ring magdala ng malalakas na hangin ang pinalakas na Habagat sa mga sumusunod na lugar ngayong araw lalo na sa mga baybaying dagat at mabubundok na lugar gaya ng:

Batanes

Babuyan Islands

Abra

Benguet

Zambales

Bataan

gitna at katimugang bahagi ng Aurora

Pampanga

Bulacan

Metro Manila

malaking bahagi ng Ilocos Region

CALABARZON

MIMAROPA

Bicol Region

Western Visayas

 

(Daris Jose)

Other News
  • Ads November 24, 2021

  • Pacquiao nagpahayag ng pagbabalik sa ring matapos ang panalo kay DK Yoo

    NAGPAHAYAG ng tuluyang pagbabalik sa boxing ring si Filipino boxing icon Manny Pacquiao.     Kasunod ito sa panalo niya sa exhibition fight laban kay martial artist DK Yoo sa Goyang, South Korea.     Nakita nito kaya niyang patumbahin ng maaga ang malaking kalaban sa kanilang six-round charity boxing match subalit mas minabuti pa […]

  • Ads March 17, 2021