• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Family Feud’ ni Dingdong, muling abangan: WILLIE, imposible pang makabalik sa GMA dahil wala pang timeslot

MAY bali-balita palang pwede raw bumalik si Willie Revillame sa GMA-7, pero madali namang nilinaw ito ni GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdes na hindi iyon totoo.

 

 

“Kasi as of now, wala kaming available timeslot talaga. Kasi, di ba dati nandun siya sa slot before “24 Oras?” But magbabalik na muli ang “Family Feud”, Philippines na nag-season break lamang last June 2023.

 

 

“Muli naming binili iyong franchise ng family game show, kaya abangan na lamang natin ang muling pagbabalik ni game master, Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Patapos na rin ang taping ng primetime mystery action series nilang “Royal Blood” na napapanood gabi-gabi sa GMA-7.”

 

 

May isa pang nilinaw si Ms. Annette, ang balitang hindi na nila iri-renew ang kontrata ng TAPE, Inc. sa GMA. Matagal pa raw matatapos ang contract nila, sa end pa ng 2024, kaya sa ngayon ay wala pa sila pwedeng isagot.

 

 

Sa ngayon daw kasi ay maganda naman ang performance ng “Eat Bulaga!” Lumalaban sila at masaya naman ang show dahil nagri-rate sila.

 

 

***

 

 

EXCITED na ang BarDa fans nina Barbie Forteza at David Licauco na muling mapanood ang kanilang mga idolo na bibida sa TV adaptation ng 1991 movie na “Maging Sino Ka Man” nina Megastar Sharon Cuneta at Robin Padilla.

 

 

Kitang-kita raw kasi ang chemistry ng dalawa sa naiibang roles na ginagampanan nila after ng historical fantasy series nilang “Maria Clara at Ibarra.” May bago raw natutunan si David kay Barbie, yung professionalism and dedication nito to their craft.

 

 

“It’s such a joy to work with Barbie,” sabi ni David.

 

 

“Napakagaling niyang umarte, at natutunan ko rin ang kanyang work ethics. Kung dati ay lagi akong nali-late sa work, ngayon hindi na, napapagalitan kasi ako ni Barbie. Bale third project na namin ito, kaya comfortable na kami sa isa’t isa. Ang ganda niyang katrabaho, napakagaling niya at naging punctual na ako lagi sa pagdating sa set.

 

 

Mapapanood na ang “Maging Sino Ka Man” sa GMA primetime ngayong September sa pagtatapos ng “Voltes V: Legacy.”

 

 

***

 

 

LAST Sunday, August 20, ang Roosevelt Station ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 ay pinangalanan nang Fernando Poe, Jr. (FPJ).

 

 

Ang renaming rites ay dinaluhan nina Senator Grace Poe, with former Senate President Tito Sotto at ni Senator Lito Lapid. Isinabay na ito sa unveiling of the new marker sa pagsi-celebrate din ng 84th birthday ni FPJ.

 

 

“I hope people remember FPJ whenever they board this train. Public service has always been in FPJ’s heart. Giving commuters a safe and comfortable ride is a way of keeping his legacy alive.” ayon sa statement ng senadora.

 

 

Higit sa isang taon matapos lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batas na pinapalitan ang pangalan ng Roosevelt Avenue sa Quezon City pagkatapos ng yumaong Filipino screen icon. Matatagpuan ang childhood home ng yumaong National Artist sa kahabaan ng 2.9-kilometrong Roosevelt Avenue na nasa pagitan ng EDSA at Quezon Avenue.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Pagkatapos ng ‘Here Lies Love’ sa Broadway: LEA, kasama sa opening ng ‘Sondheim’s Old Friends’ sa London

    MAY bagong pinagkakaabalahan na musical si Lea Salonga pagkatapos ng Here Lies Love on Broadway.       Kasama ang Tony Award-winning Filipino international star sa opening ng “Sondheim’s Old Friends” in London.       Pinost ni Lea via social media ang kanyang excitement na bahagi siya ng show na tatakbo for 16-weeks.   […]

  • Cool muna tayo- Sec. Roque

    PINAYUHAN ng Malakanyang ang publiko na manatiling kalmado at mangyaring hintayin na lamang ang pinal na report ng Commission on Audit (COA) matapos mapaulat na nakitaan ng komisyon ng ilang umano’y kakulangan sa tamang panghawak ng Department of Health (DoH) sa pondo para sa pandemya.   “‘Yung mga initial observation, nasasagot po iyan ng mga ahensiya .   […]

  • Ads February 22, 2020