‘Family Fued’, hindi pa rin mapataob: DINGDONG, hindi basta-basta papatol sa patama ni WILLIE
- Published on July 19, 2024
- by @peoplesbalita
KILALANG hindi mapagpatol sa mga intriga ang Kapuso aktor Dingdong Dantes.
Kung kaya inaasahang hindi sasagot si Dingdong sa mga pasaring ng TV host Willie Revillame.
May mga binitiwan kasing mga patama si Willie kanyang programang ‘Wil to Win’ na obvious naman ay para sa katapat niya na ‘Family Feud’.
Kahit hindi niya binanggit ang title nito ay hindi naman maitagong ang programa at si Dingdong mismo ang pinatamaan niya.
Kung pagbabasehan ang latest survey ay hindi napataob ni Willie sa rating ang programa ni Dingdong.
Binanggit pa ni Willie na hindi binili sa ibang bansa ang kanyang programa. Hindi rin daw importante sa kanya ang rating.
May mga loyal fans at tagasubaybay ni Willie ang sumang-ayon siyempre sa kanya pero higit na mas marami raw naman ang nag komento ng positibo para naman kay Dingdong at sa show ng Kapuso.
Ayon sa Kapuso Primetime King at Box Office King tuloy-tuloy na uulan ng saya at babaha ng papremyo sa programa niyang dating slot na iniwan ni Willie nung nawala siya sa GMA.
***
SI Bossing Vic Sotto ang kinuhang endorser ng pinagkaguluhang online gaming ngayon na PlayTime.
Ayon pa sa mga namamahala ng nasabing online games ay wala raw silang maisip na pwedeng mag-endorso kundi ang isang Vic Sotto lang.
Kaya naman sa anim na buwan pa lang nilang operasyon ay nag-number two agad among sa mga online gaming ang PlayTime.
Sa totoo lang inamin din naman ni Bossing Vic Sotto na naglalaro din daw siya!
Sa kabila ng kanyang mga kaabalahan sa ‘Eat Bulaga!’ at paghahanda para sa 50th Metro Manila Film Festival entry na ‘The Kingdom’, with Piolo Pascual. ambassador pa siya ng isang online gaming platform.
Sa isang photo at video shoot nga kamakailan, sinamahan si Bossing Vic ng mga executive ng PlayTime para sa paghahanda upang ilantad na naglalaro siya ng online game.
Ayon pa kay Vic ay hindi raw ito masamang gawin basta ilagay lang sa tama at “share your blessings” pag nanalo.
Mas importante pa rin daw na maging responsible sa kahit anumang gawain, huh!
(JIMI C. ESCALA)
-
PhilHealth, inilunsad na ang COVID-19 vaccine indemnification
Inilunsad na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang indemnification package sa mga makakaranas ng seryosong side effect matapos makatanggap ng COVID-19 vaccine. Ang indemnification o bayad danyos ay isa sa mga probisyon ng COVID-19 Vaccination Program Act (Republic Act No. 11525). Layunin nito na bigyan ng tulong pinansyal ang mga […]
-
7 drug suspects timbog sa P1 milyon shabu sa Malabon, Navotas at Valenzuela
KALABOSO ang pitong drug suspects matapos makuhanan ng mahigit P1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela, Malabon Navotas Cities. Sa ulat ni PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-11 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug […]
-
Ang laki ng pasasalamat sa ‘First Yaya’ at ‘First Lady’: SANYA, nagkaroon ng pambayad sa bahay at nakabili rin ng lupa
STARTING tonight, July 29, muling panoorin ang modern fairytale nina President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) and Nanny Melody Reyes (Sanya Lopez), ang top-rating romantic comedy series na “The First Nanny” sa Netflix Philippines, produced by GMA Entertainment Group. Nagbahagi naman si Sanya nang ma-interview siya tungkol sa pagpapalabas ng “The First Nanny” sa […]