‘Fan Girl’ humakot ng awards sa 2020 MMFF awards
- Published on December 30, 2020
- by @peoplesbalita
Humakot ng awards ang pelikulang “Fan Girl” sa 2020 Metro Manila Film Festival awards.
Nakuha nito ang Best Picture, Best Sound, Best Cinematography, Best Editing, Best Screenplay, Best Director, Best Actor sa pamamagitan Paulo Avelino at Best Actress si Charlie Dizon.
Ang pelikula na gawa ni Direk Antoinette Jadaone ay tungkol sa isang dalagita na labis ang paghanga sa kaniyang iniidolo na celebrity.
Nakuha naman ni Michael De Mesa ang Best Supporting actor award sa pagganap niya sa pelikulang “Isa Pang Bahaghari” na gawa ng director na si Joel Lamangan habang Best Supporting Actress naman si Shaina Magdayao sa pelikulang “Tagpuan”.
Naging host sa awards nights ay sina Marco Gumabao at Kylie Versoza.
Sa ilang mga awards ay nakuha ng pelikulang “Magikland” ang Best Virtual Float.
Best Student Short Film- “Paano Maging Babae”.
Best Child Peformer – Seiyo Masunaga sa pelikulang “The Missing”.
Best Musical Score – Emerzon Texxon sa pelikulang “Magikland”.
Best Theme Song – “Ulan” by Jhay Cura and Pau Protacio sa pelikulanag “The Boy Foretold By The Stars”.
Best Visual Effects – Richard Francia and Ryan Grimarez for “Magikland”.
Best Production Design – Ericson Navarro for “Magikland”.
Gender Sensitivity Award – “The Boy Foretold by the Stars”.
Special Jury Prize – late director Peque Gallaga.
Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award – “Suarez: The Healing Priest”.
Manay Ichu Vera-Perez Memorial Award – Gloria Romero.
Fernando Poe Jr. Memorial Award – “Magikland”.
Isinagawa ang virtual awarding dahil sa coronavirus pandemic.
Magugunitang mayroong tig-12 nomination ang mga pelikulang “The Boy Foretold By The Stars” , “The Missing” at “Magikland”.
-
Media security, “best done” sa pakikipag-ugnayan sa newsrooms-CHR
PINAALALAHANAN ng Commission on Human Rights (CHR) ang law enforcement agencies na tiyakin ang kaligtasan ng mga mamahayag sa pamamagitan ng “necessitates a careful balance in respecting individual and collective rights”. Sa isang kalatas, sinabi ng CHR na welcome sa kanila ang naging direktiba na ihinto at imbestigahan ang napaulat na “Unannounced police […]
-
Halos 100% na ang kondisyon ni Pacquiao 19 days bago ang laban
Halos 100% na umano ang kondisyon ni Pinoy ring icon Manny Pacquiao bilang paghahanda sa laban nito kay Errol Spence Jr. Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, inihayag ni Lee Marinduque, founding chairman ng Manny Pacquiao for President Movement na nasa California USA ngayon, nasa maayos ang takbo ng pagsasanay ni Pacman 19 […]
-
Dahil sa kawalan ng trabaho at problema sa pamilya, kelot nagpakamatay
ISANG 33-anyos na lalaki ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang sarili dahil umano sa depresyon dala ng kawalan ng trabaho at problema sa pamilya sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Malabon Police Sub-Station 3 commander P/Maj. Carlos Cosme ang biktima na si Charie Odtuhan ng No. 9 Camia […]