‘Fan Girl’ humakot ng awards sa 2020 MMFF awards
- Published on December 30, 2020
- by @peoplesbalita
Humakot ng awards ang pelikulang “Fan Girl” sa 2020 Metro Manila Film Festival awards.
Nakuha nito ang Best Picture, Best Sound, Best Cinematography, Best Editing, Best Screenplay, Best Director, Best Actor sa pamamagitan Paulo Avelino at Best Actress si Charlie Dizon.
Ang pelikula na gawa ni Direk Antoinette Jadaone ay tungkol sa isang dalagita na labis ang paghanga sa kaniyang iniidolo na celebrity.
Nakuha naman ni Michael De Mesa ang Best Supporting actor award sa pagganap niya sa pelikulang “Isa Pang Bahaghari” na gawa ng director na si Joel Lamangan habang Best Supporting Actress naman si Shaina Magdayao sa pelikulang “Tagpuan”.
Naging host sa awards nights ay sina Marco Gumabao at Kylie Versoza.
Sa ilang mga awards ay nakuha ng pelikulang “Magikland” ang Best Virtual Float.
Best Student Short Film- “Paano Maging Babae”.
Best Child Peformer – Seiyo Masunaga sa pelikulang “The Missing”.
Best Musical Score – Emerzon Texxon sa pelikulang “Magikland”.
Best Theme Song – “Ulan” by Jhay Cura and Pau Protacio sa pelikulanag “The Boy Foretold By The Stars”.
Best Visual Effects – Richard Francia and Ryan Grimarez for “Magikland”.
Best Production Design – Ericson Navarro for “Magikland”.
Gender Sensitivity Award – “The Boy Foretold by the Stars”.
Special Jury Prize – late director Peque Gallaga.
Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award – “Suarez: The Healing Priest”.
Manay Ichu Vera-Perez Memorial Award – Gloria Romero.
Fernando Poe Jr. Memorial Award – “Magikland”.
Isinagawa ang virtual awarding dahil sa coronavirus pandemic.
Magugunitang mayroong tig-12 nomination ang mga pelikulang “The Boy Foretold By The Stars” , “The Missing” at “Magikland”.
-
SHARON, nagpaliwanag kung bakit kailangang i-post ang pagsakay sa private plane at chopper para dalawin si FRANKIE
PINOST ni Megastar Sharon Cuneta ang video habang nasa private plane sila papuntang New York para sa bisitahin ang kanyang daughter na si Frankie Pangalinan. Caption niya, “On my way to New York this morning to surprise KAKIE!!! “Doc Noel’s birthday celebration continues in New York, and praise God for Noel because […]
-
Mas maraming SEEDLING Nurseries sa bansa para palakasin ang AGRI OUTPUT, CUT RELIANCE sa pag-angkat -PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang pagpaparami sa ‘seedling nurseries’ sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ay mapakikinabangan ng ‘agriculture, food specialty, at food processing industry’ sa bansa. Kabilang ang mga ito sa mga bagong estratehiya na nakikita ng pamahalaan na magagamit para bawasan ang pagsandal sa importasyon ng agricultural goods […]
-
Kelot na tumangay sa bag ng ginang, arestado sa Valenzuela
ISINELDA ang isang lalaki matapos tangayin ang bag ng isang out-patient na babae sa isang diagnostic clinic sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga. Kinilala ni PLt Francisco Tannagan, Sub-Station-9 commander ang naarestong suspek bilang si Percival Carlos, 41 ng Balubaran, Brgy., Malinta ng lungsod na nangagarap sa kasong Theft. Ayon sa […]