• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FAN-LESS GAMES, LEBRON BOYKOT SA NBA

BINABALAK ng NBA na magkaroon ng ilang laro na hindi magpapapasok ng mga fan sa game venue upang maiwasan ang pagkahawa sa nakamamatay na coronavirus.

 

Hindi sang-ayon dito si NBA Lakers supertstar LeBron James na maglalaro sila ng walang fans na nanonood dahil sa banta ng coronavirus o COVID19.

 

“We play games without the fans?” sabi ni James. “Nah, it’s impossible.”

 

Tugon ito sa inilabas na memo ng liga sa lahat ng 30 koponan na maghanda sa posibilidad na maglaro na walang mga fan upang maiwasan ang virus outbreak.

 

Gayunman hindi ito bumenta kay LeBron, na iginiit na naglalaro siya para sa mga fans kaya walang kuwenta kung naglalaro ito ng walang fans na nanonood.

 

“I ain’t playing,” diin ni James. “I ain’t got the fans in the crowd. That’s who I play for. I play for my teammates. I play for the fans. That’s what it’s all about. If I show up to an arena and there are no fans in there, I ain’t playing. They can do what they want to do.”

 

Ang home court ng Lakers at LA Clippers sa Staples Center ay naglagay ng mga sanitizer station sa loob ng venue para sa mga manonood upang hindi mahawa ng nakamamatay na sakit na COVID-19.

 

Nakatakda namang malugi ng malaki ng NBA kung itutuloy ang balak dahil sa inaasahang mga magre-refund ng kani-kanilang ticket sa mga natitirang laro sa regular season at sa paparating nang playoffs, na magsisimula sa Abril 18.
Samantala, wala namang problema ang teammate ni LeBron na si Alex Caruso sa memo ng NBA.

 

“If it is a legit thing that needs to be done, do whatever you have to do. People watch on TV way more anyway,” sabi ni Alex.

 

Kabilang din sa takot madapuan ng coronavirus si two-time NBA Slam Dunk champion na si Zach Lavine na hindi nag-atubiling pumirma ng autograph ngunit tila allergic na makipag-contact sa publiko.

 

Bukod closed-door games o fan-less games, may nauna na ring memo na nagbabawal makipagkamay o makipag-apir ang mga NBA player sa mga fans bilang proteksyon na rin sa posibleng pagkahawa sa mga miron na nahawa sa COVID-19.

Other News
  • PDu30, magiging abala sa trabaho sa Malakanyang hanggang bago mag- Christmas break

    WALANG pahinga at mananatiling sabak sa trabaho si Pangulong Rodrigo Roa Duterte hanggang bago mag- Christmas break.   Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nitong pagkakaabalahan niya ang tambak na mga dokumento na kailangang basahin at pirmahan.   Ang dalangin lang ng Pangulo ay wala sanang bagyo pagsapit ng Pasko dahil siguradong  […]

  • Guce ika-52, binulsa P53K

    SINARA ni Clarissmon ‘Clariss’ Guce ang kampanya sa one-over par 72 pa-three-over par 216 at mapabilang sa apat na nagtabla sa ika-52 posisyon na mayroong $1,067 (P53K) bawat isa pagrolyo ng 16th Symetra Tour 2021 11th leg $250K (P12.4M)  4th Donald Ross Course sa The Donald Ross Cross Course sa Frenck Linck, Indiana nitong Sabado […]

  • Ads July 2, 2020