• May 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FAN-LESS GAMES, LEBRON BOYKOT SA NBA

BINABALAK ng NBA na magkaroon ng ilang laro na hindi magpapapasok ng mga fan sa game venue upang maiwasan ang pagkahawa sa nakamamatay na coronavirus.

 

Hindi sang-ayon dito si NBA Lakers supertstar LeBron James na maglalaro sila ng walang fans na nanonood dahil sa banta ng coronavirus o COVID19.

 

“We play games without the fans?” sabi ni James. “Nah, it’s impossible.”

 

Tugon ito sa inilabas na memo ng liga sa lahat ng 30 koponan na maghanda sa posibilidad na maglaro na walang mga fan upang maiwasan ang virus outbreak.

 

Gayunman hindi ito bumenta kay LeBron, na iginiit na naglalaro siya para sa mga fans kaya walang kuwenta kung naglalaro ito ng walang fans na nanonood.

 

“I ain’t playing,” diin ni James. “I ain’t got the fans in the crowd. That’s who I play for. I play for my teammates. I play for the fans. That’s what it’s all about. If I show up to an arena and there are no fans in there, I ain’t playing. They can do what they want to do.”

 

Ang home court ng Lakers at LA Clippers sa Staples Center ay naglagay ng mga sanitizer station sa loob ng venue para sa mga manonood upang hindi mahawa ng nakamamatay na sakit na COVID-19.

 

Nakatakda namang malugi ng malaki ng NBA kung itutuloy ang balak dahil sa inaasahang mga magre-refund ng kani-kanilang ticket sa mga natitirang laro sa regular season at sa paparating nang playoffs, na magsisimula sa Abril 18.
Samantala, wala namang problema ang teammate ni LeBron na si Alex Caruso sa memo ng NBA.

 

“If it is a legit thing that needs to be done, do whatever you have to do. People watch on TV way more anyway,” sabi ni Alex.

 

Kabilang din sa takot madapuan ng coronavirus si two-time NBA Slam Dunk champion na si Zach Lavine na hindi nag-atubiling pumirma ng autograph ngunit tila allergic na makipag-contact sa publiko.

 

Bukod closed-door games o fan-less games, may nauna na ring memo na nagbabawal makipagkamay o makipag-apir ang mga NBA player sa mga fans bilang proteksyon na rin sa posibleng pagkahawa sa mga miron na nahawa sa COVID-19.

Other News
  • Wonka’ Emerges as Christmas Winner, Crosses $100M in U.S. as ‘Aquaman 2’ Drowns

    Timothée Chalamet’s Wonka has emerged as this year’s Christmas box office winner, while DC superhero pic Aquaman and the Lost Kingdom drowns.     Overall, this holiday season isn’t so joyous for Hollywood studios and theater owners. Case in point: Wednesday revenue was down 52 percent from the same Wednesday in 2019, the last year […]

  • Pinipilit gayahin ni AiAi pero ‘di nagawa: Tiktok dance ni MARIAN, 80 million views na in four days

    SINUBUKAN lang or sabi nga ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa kanyang Tiktok account, “Try lang,” ang dance niya na “Price Tag,” ang 2011 hit song ng British singer na si Jessie J.     At nag-gain na naman ng kasikatan sa Tiktok sa bago nitong choreography, heto’t sa loob lamang ng […]

  • MARIAN, mukhang nainggit sa pagiging ‘fangirl’ ni BEA kay HYUN BIN

    USUNG-USO na ang fangirling sa ating mga aktres ngayon, isa na nga ang bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo.     Nang mapanood niya ang sarili niya kasama in one frame ang bida ng Crash Landing On You na si Korean actor Hyun Bin for an advertisement ng isang shopping app na laging napapanood […]