Favorite niya ang mga song ni Ice: RONNIE, consistent na mataas ang streams sa mga ni-revive na kanta
- Published on March 19, 2024
- by @peoplesbalita
PANGALAWANG beses nang nagkakatrabaho sina Joem Bascon at Jasmine Curtis-Smith; una ay sa Metro Manila Film Festival entry na Culion noong 2019 at sumunod ay ang GMA teleserye na ‘Asawa Ng Asawa Ko’ na kasalukuyang umeere ngayon kung saan gumaganap sila bilang si Leon at Cristy respectively.
Pinakaunang serye naman ni Joem sa GMA, guest lamang siya kasi sa Black Rider bago napasama sa Asawa Ng Asawa Ko.
“Happy,” ang bulalas na reaksyon ni Joem nang kumustahin namin ang pakiramdam na sa wakas, matapos ang mahabang panahon na isa siyang Kapamilya, ay nagtatrabaho siya ngayon sa isang regular na serye sa Kapuso Network.
“Happy, blessed, kasi alam mo yun, for… ilan na ba, nineteen years na yata akong nagwu-work [sa ABS-CBN], so happy, blessed, nakakapanibago siyempre.
“Kasi nga first time kong mag-work with GMA pero sobrang saya.
“Kasi alam mo yun pag tumatanda ka naman at the end of the day, kailangan mo lang naman trabaho. Lalo na iyon nga may family na ako, may anak na kami ni Meme [Meryl Soriano], so I’m happy, na siyempre wala na namang network war ngayon so nabi bigyan na ng chance yung mga from kabila, from ABS, nakaka-work na sila sa GMA.
“Mga taga-GMA nakaka-work na sa ABS. Ayun, masaya ako na may collaboration na ngayon between the two networks.
“And happy na may trabaho tayong lahat,” ang nakangiting sinabi pa ni Joem.
Nasa ‘Asawa Ng Asawa Ko’ rin sina Rayver Cruz as Jordan, Liezel Lopez as Shaira at Martin del Rosario bilang Jeff.
Sa direksyon ni Ms. Laurice Guillen, at umeere ito weeknights 9:35 pm sa GMA Prime.
***
SUKI ni Ice Seguerra si Ronnie Liang dahil paboritong i-revive ni Ronnie ang mga awitin ni Ice.
Pinakabago sa listahan ang kantang “Para Lang Sa ‘Yo” na orihinal na kinanta ni Ice noong 2007.
Kuwento ni Ronnie, “It’s a self-produced song.
“Uso kasi ngayon ay mga ‘hugot’, mga hugot na kanta, tayo naman we just go with the flow, with the trend and based sa mga previous self-produced songs ko mataas ang sales po ng hugot songs especially yung mga inspirational.
“Ito naman takot siyang umibig pero pinagbigyan na niya ang puso niya na muling umibig nung na-meet niya ‘tong taong ‘to.”
Lahad pa ni Ronnie, consistent na mataas ang streams ng mga dati niyang ni-record at ni-revive na kanta tulad ng “Pakisabi Na Lang”, “Yakap”, “Akala Mo” at iba pa.
“Nagmi-millions po yung download and streams.”
“We offer our music to satisfy our listeners especially yung mga followers ko and yung mga kanta naman usually nagre-reflect siya and nagmi-mirror sa everyday lives natin, sa mga experiences natin, sa mga pinagdadaanan natin.
“And it just shows that maraming mga kababayan natin ang maraming pinagdadanan sa kanilang mga puso and at least thru my music, nakakatulong.”
Available na for streaming ang “Para Lang Sa Yo” sa lahat ng digital platforms worldwide.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
UNLIKELY HEROES: MEET THE GUYS OF “DUNGEONS & DRAGONS”
ANY adventure worth its weight in gold requires likable characters, and Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves has plenty. [Watch the film’s Final Trailer at https://youtu.be/XyTz-RRzrXg] When the movie opens, unfailingly optimistic bard Edgin (played by Chris Pine) and his best friend, the barbarian fighter Holga (Michelle Rodriguez), are locked away […]
-
Pangandaman, kumpiyansang mabilis na maipapasa ang panukalang P6.352-trillion national budget para sa taong 2025
KUMPIYANSA si Budget Secretary Amenah Pangandaman na agad na maipapasa ang panukalang P6.352-trillion national budget para sa taong 2025. “Thus, we are confident about the immediate passage of the proposed national budget for next year so that we can continue implementing programs and initiatives for the welfare of our people,” ayon sa Kalihim. […]
-
Sotto sasabak sa NBA Draft
ITUTULOY ni Kai Sotto ang pangarap nitong makapaglaro sa NBA matapos ihayag ang pagsabak nito sa 2022 NBA Rookie Draft. Mismong ang 7-foot-3 Pinoy cager na ang nagdeklara ng kanyang intensiyong lumahok sa draft sa kanyang post sa social media kahapon. “I have declared for the 2022 NBA Draft. Please pray […]