FDA, bukas sa medical use ng marijuana
- Published on February 15, 2024
- by @peoplesbalita
BUKAS si Food and Drug Administration (FDA) director general Dr. Samuel Zacate sa paggamit ng marijuana para sa panggagamot subalit kailangan na hindi makasasama sa taong gagamitan nito.
”My take is medicine is an innovation, we cannot guarantee na ito lang po tayo at darating sa future eh wala na, hanggang dito na lang,” ayon kay Zacate sa press briefing sa Malakanyang.
”My take on marijuana is that I am open, basically, Filipinos must have a wide range of therapeutic indication, drug of choice so ako po ay for the record, to the Food and Drug Administration, as the director general is very much open for the marijuana as long as this has been streamlined as long as di makakasama sa ating mga kababayan,” dagdag na wika ni Zacate.
Aniya pa, ang panukalang batas ukol sa medical use ng marijuana ay “subject to the wisdom of the legislative branch of government.”
Sa ulat, inaprubahan na ng House Committee on Dangerous Drugs at House Committee on Health ang panukalang batas sa paggamit ng marijuana sa paggamot sa mga malalang karamdaman.
Inihayag ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman at Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers na ang mga panukalang batas patungkol sa medical cannabis o marijuana ay pinagtibay ng kanyang komite at committee on Health.
Nilinaw naman ni Barbers na eksklusibo lamang ito sa paggamit sa medisina at hindi para sa recreational o pangliwaliw tulad ng mga sakit na insomnia, matinding pagkabalisa, kanser at iba pa pero dapat ay may preskripsyon ng mga accredited na mga physicians.
Ang sobrang preskripsyon ng medical cannabis ay may katapat namang kaparusahang P500,000 na hindi hihigit sa P1 milyon at pagkakakulong ng anim na buwan hanggang anim na taon.
Ang nasabing panukala ay sasailalim sa pagsusuri ng Mother Committee bago ito pagdebatehan.
Hindi naman pinahihintulutan dito na mag-export ng marijuana sakaling tuluyan na itong mapagtibay sa plenaryo ng Kamara. (Daris Jose)
-
“Hudas” timbog sa Valenzuela buy bust, P2.4 milyon droga nasamsam
UMABOT sa mahigit P2.4 milyong halaga ng illegal na droga ang nasamsam sa isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, Huwebes ng umaga. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. ang naarestong suspek na si alyas […]
-
PCSO chief Robles, pinagbibitiw
HINIKAYAT ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Mel Robles na magbitiw dahil sa kabiguan umano nitong protektahan ang kabataan, lalo na ang mga bata mula sa e-lotto o online lotto project ng ahensiya. “It is accessible to anyone, even to young children whose […]
-
BSKE, isang “litmus test” para sa functioning democracy sa Bangsamoro
PINURI ni Presidential peace adviser Carlito Galvez, Jr. ang matagumpay na pagdaraos ng lokal na halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Ani Galvez, nakapasa ang lokal na pamahalaan sa tinatawag na “litmus test of a well-functioning democracy.” Sa isang kalatas, pinasalamatan ni Galvez ang mga miyembro ng militar at […]