• July 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FDA nagbabala sa ilang brand ng lipstick

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa mga kababaihan na gumagamit ng mga pampaganda ng mukha na hindi rehistrado tulad ng lipstick.

 

Ito’y matapos matuklasan ng FDA na may ilang brand ng lipstick sa merkado ang hindi dumaan sa tamang proseso at posibleng magdulot ng panganib sa kalusugan.

 

Sa ipinalabas na report ng FDA, kabilang dito ang natuklasan na hindi rehistrado ay ang monaliza series lipstick, yes now make-up moist lipstick, matte clareal bold matte lipstick 2 at 3 colors kiss tint clareal (clareal 5).

 

Sa isinagawang post marketing surveillance ng nasabing ahensya sa mga nabanggit na cosmetic product, napag-alaman na hindi awtorisado at walang certificate of product notification kaya’t mahigpit na pinagbabawal ang pagbebenta, pagbili at pama-mahagi ng naturang mga produkto.

 

Payo naman ng FDA, maging mapanuri sa mga ginagamit na produkto at maaaring i-check sa website nila na www.fda.gov.ph kung aprubado ng FDA ang ginagamit na cosmetic products. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Pure online classes’ bawal simula ika-2 ng Nobyembre, sabi ng DepEd

    NAGLABAS na ng school calendar and activities para sa school year 2022-2023 ang Department of Education (DepEd) sa bisa ng Order No. 34 s. 2022 nito — bagay na naglilinaw sa pagdating sa distance at blended learning maliban pa sa pagsisimula ng klase.     Ayon sa DepEd sa utos na pinetsahang ika-11 ng Hulyo, […]

  • PBBM, pinag-aaralan ang paglikha ng internal PNP legal office

    IPINAG-UTOS na ni Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. ang pag-aaral para sa posibleng paglikha ng legal department sa loob ng Philippine National Police (PNP) na magsisilbi bilang ”defense council” ng kahit na anumang at sinumang police officer.     Sinabi ng Pangulo na bahagi ito ng pagsisikap ng administrasyon na protektahan ang kapakanan ng mga pulis […]

  • Parking boy, binayaran ng saksak

    SAKSAK sa katawan ang ibinayad ng isang balasubas na lalaki sa parking attendant na kanyang inutangan matapos siyang singilin ng biktima sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.   Isinugod sa Tondo Medical Center ang biktimang si Arjay Cablaida, 19 ng 113 Brgy. Tanong para magamot ang malalim na saksak mula sa suspek na nakilala […]