Federer umatras na sa paglalaro sa Tokyo Olympics
- Published on July 15, 2021
- by @peoplesbalita
Nagpasya si Swiss tennis star Roger Federer na huwag ng maglaro sa Tokyo Olympics.
Sa kaniyang social media inanunsiyo ng 39-anyos na tennis player ang hindi na pagsali sa Olympics dahil sa kaniyang injury sa tuhod.
Lumala kasi ang kaniyang injury sa katatapos lamang na Wimbledon.
Labis itong nadismaya at nanghihinayang dahil isang karangalan aniya at karagdagang exposure sa kaniyang career ang maglaro sa Olympics.
Hindi na nakapaglaro ito noong 2016 Rio Olympics sa Brazil dahil rin sa injury sa tuhod.
Magugunitang nakakuha ng gold medal si Federer sa doubles event noong 2008 Beijing Games at silver medal naman sa singles event sa 2012 London Games.
Una na ring umatras sa paglalaro sa Olympics sina Serena Williams, Rafael Nadal at Nick Kyrgios na magsisimula sa Hulyo 23.
-
Posibleng nasa “low risk” na ang MM sa katapusan ng Oktubre
SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na datos ang nagsasabi kung bababa ang quarantine classification sa bansa. Tugon ito ni Sec. Roque sa pagtaya ng OCTA Research Group na posibleng nasa “low risk” na para sa COVID-19 ang Metro Manila sa katapusan ng Oktubre. “Ang mabuting balita po ay pagdating po sa ICU […]
-
Nakipagpulong din sa mga Chinese delegates: Sen. IMEE, personal na namahagi ng tulong sa Dingalan at Polillo Island
I-TAG kasama si Senator Imee Marcos sa kanyang newest vlog entries na kung saan ang kanyang ‘ImeeSolusyon’ ay nagbigay ng kinakailangang tulong sa mga biktima ng super typhoon Karding. Bumisita si Senator Imee sa munisipalidad ng Dingalan, sa lalawigan ng Aurora, at sa Polillo Island sa Quezon para personal na ipamahagi ang mga […]
-
Pagsasara ng POGO, walang epekto sa ekonomiya- DILG
WALANG masamang epekto sa ekonomiya ng bansa ang ganap na pagsasara ng Philippine offshore gaming operators (POGOs) sa bansa. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na “As per NEDA, .25 of 1 percent of total GDP (gross domestic product) ang maaapektuhan. We don’t see […]