Federer umatras na sa paglalaro sa Tokyo Olympics
- Published on July 15, 2021
- by @peoplesbalita
Nagpasya si Swiss tennis star Roger Federer na huwag ng maglaro sa Tokyo Olympics.
Sa kaniyang social media inanunsiyo ng 39-anyos na tennis player ang hindi na pagsali sa Olympics dahil sa kaniyang injury sa tuhod.
Lumala kasi ang kaniyang injury sa katatapos lamang na Wimbledon.
Labis itong nadismaya at nanghihinayang dahil isang karangalan aniya at karagdagang exposure sa kaniyang career ang maglaro sa Olympics.
Hindi na nakapaglaro ito noong 2016 Rio Olympics sa Brazil dahil rin sa injury sa tuhod.
Magugunitang nakakuha ng gold medal si Federer sa doubles event noong 2008 Beijing Games at silver medal naman sa singles event sa 2012 London Games.
Una na ring umatras sa paglalaro sa Olympics sina Serena Williams, Rafael Nadal at Nick Kyrgios na magsisimula sa Hulyo 23.
-
Upakang Ancajas, J Ro matutuloy na sa Abril
MATUTULOY na ang muling pag-akyat ng ruwedang parisukat ni world men’s boxing champion Jerwin Ancajas makalipas ang may na buwa nang pagkakapirmi lang sa Estados Unidos. Sinabi nio Manny Pacquiao Promotion (MPP) president Sean Gibbons, na papanhik sa lonang de lubid si Ancajas upang harapin si Jonathan Rodriguez ng Mexico sa pagtatanggol sa kanyang […]
-
Hamsain dumale ng 3 gold
NAGNINGNING NANG HUSTO Si Fatima Hamsain nang humablot ng tatlong gold medal katatapos na Inner Strength Martial Arts 1st International E-Tournament eKata and eKumite Championships. Huling kpinamayagpagan ng Pinay karateka ang female under-15 e-kumite sa Shotokan E-Kata nang mangibabaw sa finals laban sa isang Greek opponent via 23.3-21.9 deicision. Siya rin […]
-
Mock elections sa Disyembre 2021, tuloy pa rin – COMELEC
Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi na maaaring iurong pa ang pagdaraos ng mock elections ngayong taon kaugnay sa 2022 national at local elections. Sa isang online forum, sinabi ni COMELEC Dir. Teopisto Elnas ang pondo para sa mock elections ay para lamang sa ngayong taon. Hindi na aniya […]