FEEDER ROUTES ng mga PAMPUBLIKONG SASAKYAN NA MAARING TAMAAN ng MASS-TRANSPORT TRANSIT, PAGHANDAAN!
- Published on September 24, 2021
- by @peoplesbalita
Magandang balita sa mga pasahero na nasimulan na o sisimulan na ang mga mass-transport system lalo na sa Metro Manila. Mas mabilis, mas maginhawa at mas maraming maisasakay. Ang kailangan din na paghandaan ay yung mga feeder routes ng mga jeeps, UV express, at buses na kakailanganin para makarating ang mga pasahero sa mga istasyon ng mga mass-transport tulad ng tren o MRT.
Kailangan din mapaghandaan ito upang ang apektadong mga public transport na may ruta doon ay hindi ma-displaced at hindi mawalan ng hanapbuhay dahil sa epekto sa mga ang linya nila at maaaring mabawasan ang pasahero na pupunta na sa mass-transport system. Kaya kailangan maaga pa lang ay maihanda na ang mga bagong ruta para hindi maging ka-kumpetensya ng tradisyonal na public transport ang mass-transport bagkus maging complementary ang bawat isa sa pagsisilbi sa riding public.
Ano ang mga byahe na bubuksan para makarating sa stations ang mga pasahero? Saan ang kanilang mga terminal? At iba pang isyu. Bilyong piso ang gagastusin sa mga infrastructure ng mass-transport. Sana bahagi sa gagastusin ay ang tulong sa mga maaapektuhang drivers at operators. (Ariel Enrile-Inton)
-
Pinay rower Delgaco, buhay pa rin ang pag-asa kahit nabigong makausad sa quarterfinals
NABIGO si Joanie Delgaco na makapasok sa diretsahang puwesto sa quarterfinals ng rowing event. Pero nagpatuloy ang kanyang pag-asa matapos masiguro ang pangalawang pagkakataon sa pamamagitan ng repechage round sa women’s single sculls ng 2024 Paris Olympics sa Vaires-sur-Marne Nautical Stadium. Ang Filipina rower ay nagtala ng pitong […]
-
Ads April 22, 2022
-
Dahil sa suporta sa mga charitable initiatives: JOSE MARI, taos-pusong pinasasalamatan ng FFCCCII
ANG Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) ay nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat sa kilalang mang-aawit-songwriter at respetadong negosyanteng si Jose Mari L. Chan para sa kanyang walang patid na suporta sa iba’t ibang socio-civic charitable endeavors. Si Dr. Cecilio K. Pedro, Presidente ng FFCCCII, ay pinuri ang […]