Fernando, binalikan ang mga nagawa ng Bulacan laban sa pandemya
- Published on July 10, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS- Binalikan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga maagap na inisyatibo ng Bulacan na naging dahilan upang mapagtagumpayan ang laban sa pandemyang COVID-19 sa ginanap na 11th Joint Meeting of the Response, Law and Order, and Recovery Clusters ng Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 sa pamamagitan ng aplikasyong Zoom kahapon.
Naniniwala si Fernando na ang pagbabalik-tanaw sa mga naisakatuparan ang maggigiya sa kanya at sa buong lalawigan sa tamang direksyon.
“Sa ating mabilis na pagkilos at paghahanda, naisagawa natin ang sumusunod- paghihiwalay ng COVID at non-COVID patients, agad na pagtatatag sa BICC, pagtatayo ng sariling testing at diagnostic facility sa loob lamang ng isang buwan, pagtatayo ng GeneXpert laboratory, at pagsunod sa PDITR strategy na kinilala ng IATF bilang isa sa sistematikong pagtugon ng mga LGU sa buong bansa,” pagiisa-isa ng gobernador.
Inalala rin niya ang mga hakbangin na isinagawa matapos ang pagtaas ng kaso ng COVID dahil sa mga bagong variant ng virus noong Pebrero 2021.
“Ipinatupad natin ang Bulacan Surge Capacity System, nagsagawa ng pagbabago sa work arrangement sa Kapitolyo, and focused on preventing and containing the COVID-19 pandemic habang inaalalayan natin ang socio-economic impact sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng ayuda mula sa pondo ng Pamahalaang Panlalawigan at tulong mula sa mga national agencies at mga non-government organizations,” dagdag pa niya.
Pinasalamatan ng punong lalawigan ang mga health worker, frontliner, at lahat ng Bulakenyo para sa kanilang pagsunod sa mga health protocol na nagbunsod ng patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID.
“Sa mga pinakahuling ulat, gumaganda ang bunga ng ating mga pagsisikap to manage the health risks habang nagsisikap tayo tungo sa socio-economic recovery sa pagbubukas ng ating ekonomiya,” anang gobernador.
Sa pagpupulong, iniulat ni PTF Response Cluster Head Dr. Hjordis Marushka Celis na 96% o 39,227 sa kabuuang 40,922 kumpirmadong kaso ng COVID sa lalawigan ang gumaling na, dalawang porsiyento o 815 ang nananatiling aktibo, at ang dalawa pang porsiyento o 880 ang namatay dahil sa virus.
-
Five Nights At Freddy’s PG-13 Rating Explained: Violence, Blood, & Language
CO-WRITER/DIRECTOR Emma Tammi explains why the Five Nights at Freddy’s movie didn’t aim for an R-rating, Despite being comprised of a host of murderous animatronics. Anticipation is high for the adaptation of the hit horror video game franchise, which put players in the shoes of a night security guard at the eponymous family […]
-
DOTr: MM Subway pinabibilis ang konstruksyon
TULUY-TULOY ang ginawang konstruksyon sa Metro Manila Subway project kung saan ang Department of Transportation (DOTr) ay lumagda sa isang “right-of-way usage agreement” sa apat (4) na malalaking kumpanya para sa pagtatayo ng dalawang (2) estasyon nito. “We inked right-of-way usage agreement with Megaworld Corp., Robinsons Land Corp., Ortigas & Co. Ltd […]
-
Confidential Funds sa OVP, DepEd boluntaryong iatras
IGINIIT ni dating Congressman Atty. Barry Gutierrez kay Vice President Sara Duterte na boluntaryong bawiin ang request na Confidential Funds para sa Office of the Vice President (OVP) at sa Department of Education (DepEd) para sa fiscal year 2024. Sinabi ni Atty. Gutierez na mas mainam kung ang naturang pondo ay ilaan na […]