• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fernando, hinikayat ang mga Bulakenyo na ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan at bata

LUNGSOD NG MALOLOS – Hinikayat ni Gob. Daniel R. Fernando ang lahat ng Bulakenyo na ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan at bata sa pamamagitan ng pakikiisa sa Orange Day Campaign sa Nobyembre 25, 2021 na hudyat ng pagsisimula ng “18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW)” alinsunod sa Proklamasyon 1172, T’06 mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12 ng bawat taon.

 

 

Kasabay din nito ang paggunita sa “National Consciousness Day for the Elimination of Violence Against Women and Children” alinsunod sa Republic Act No. 10398, S’12.

 

 

Bilang pagsunod din sa Kapasyahan Blg. 094 T’18, makikibahagi ang Bulacan sa Orange Day sa pamamagitan ng paghikayat sa mga pampubliko at pribadong institusyon upang magkaisa sa kampanya na wakasan ang laganap at patuloy na karahasan sa mga kababaihan at mga bata na maipakikita sa pagsusuot ng kulay orange sa nasabing araw at tuwing ika-25 ng bawat buwan.

 

 

“Matagal na nating ipinaglalaban ang karapatan ng mga kababaihan at ng mga bata, hindi dahil sila ay mas mahina sa pisikal, kundi dahil lahat tayo ay may pantay-pantay na karapatan. Sama-sama po tayong magsuot ng may orange, ipakita natin ang ating paglaban sa karahasan sa mga kababaihan at sa mga bata, sama-sama nating gawing ligtas ang ating pamayanan para sa lahat,” ani Fernando.

 

 

Bukod dito, naglatag din ng mga programa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at Panlalawigang Komisyon para sa Kababaihan ng Bulacan (PKKB Bulacan) kabilang ang Seminar hinggil sa RA 7877 Anti Sexual Harassment kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan sa Nobyembre 26, Seminar sa RA 11313: Safe Spaces Act para sa Konsehong Pambayan ng Kababaihan at publiko sa pamamagitan ng FB Live Streaming sa Nobyembre 29.

 

 

Gayundin, magsasagawa sila ng online na legal na konsultasyon sa pamamagitan ng Seminar/Forum kasama si Abgd. Anicia Marquez hinggil sa Anti-VAWC Law para sa mga kababaihan ng Bulacan sa Disyembre 1 at 3, 2021.

Other News
  • Ukraine wala pang balak na isara ang kanilang airspace

    WALANG  plano ang Ukraine na isara ang kanilang airspace kahit na may nagaganap na tensiyon sa pagitan nila ng Russia.     Ayon kay Mykhailo Podolyak, ang adviser ng chief of staff ng pangulo ng Ukraine, na hindi pa mahalaga ngayon ang nasabing hakbang.     Ipapaubaya rin ng gobyerno ng Ukraine sa mga airline […]

  • Pinaka mainit na heat index naitala sa 30 lugar

    PATULOY na makararanas ng mataas na heat index ang mara­ming lugar sa bansa. Ito’y ayon sa Impact Assessment and Applications Section ng PAGASA Weather Bureau dahil nasa  dangerous level pa rin ang 30 lugar kahapon kabilang ang Dagupan City, Pangasinan at Aparri, Cagayan na tatlong araw nang nakararanas ng sunud-sunod na danger na heat index […]

  • DERRICK, first time nagpa-Pasko at magba-Bagong Taon sa Amerika kasabay ng pag-attend sa kasal ng ina

    HALOS lahat na ng ka-batch ni Lexi Gonzales sa StarStruck 7 ay nagkaroon na ng regular na teleserye.     Naghihintay na lang daw si Lexi sa pag-resume ng lock-in taping ng Love You Stranger sa January 2022.     “Akala kasi nila ayokong mag-lock-in taping. Hindi po totoo ‘yon. May teleserye na sana kami […]