Fernando, hinikayat ang mga Bulakenyo na ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan at bata
- Published on November 18, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Hinikayat ni Gob. Daniel R. Fernando ang lahat ng Bulakenyo na ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan at bata sa pamamagitan ng pakikiisa sa Orange Day Campaign sa Nobyembre 25, 2021 na hudyat ng pagsisimula ng “18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW)” alinsunod sa Proklamasyon 1172, T’06 mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12 ng bawat taon.
Kasabay din nito ang paggunita sa “National Consciousness Day for the Elimination of Violence Against Women and Children” alinsunod sa Republic Act No. 10398, S’12.
Bilang pagsunod din sa Kapasyahan Blg. 094 T’18, makikibahagi ang Bulacan sa Orange Day sa pamamagitan ng paghikayat sa mga pampubliko at pribadong institusyon upang magkaisa sa kampanya na wakasan ang laganap at patuloy na karahasan sa mga kababaihan at mga bata na maipakikita sa pagsusuot ng kulay orange sa nasabing araw at tuwing ika-25 ng bawat buwan.
“Matagal na nating ipinaglalaban ang karapatan ng mga kababaihan at ng mga bata, hindi dahil sila ay mas mahina sa pisikal, kundi dahil lahat tayo ay may pantay-pantay na karapatan. Sama-sama po tayong magsuot ng may orange, ipakita natin ang ating paglaban sa karahasan sa mga kababaihan at sa mga bata, sama-sama nating gawing ligtas ang ating pamayanan para sa lahat,” ani Fernando.
Bukod dito, naglatag din ng mga programa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at Panlalawigang Komisyon para sa Kababaihan ng Bulacan (PKKB Bulacan) kabilang ang Seminar hinggil sa RA 7877 Anti Sexual Harassment kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan sa Nobyembre 26, Seminar sa RA 11313: Safe Spaces Act para sa Konsehong Pambayan ng Kababaihan at publiko sa pamamagitan ng FB Live Streaming sa Nobyembre 29.
Gayundin, magsasagawa sila ng online na legal na konsultasyon sa pamamagitan ng Seminar/Forum kasama si Abgd. Anicia Marquez hinggil sa Anti-VAWC Law para sa mga kababaihan ng Bulacan sa Disyembre 1 at 3, 2021.
-
NAVOTAS SCHOLARS TUMANGGAP NG ALLOWANCE
TUMANGGAP ang academic scholars ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng kanilang allowance para sa March hanggang June 2021. Nasa 62 beneficiaries ng NavotaAs Academic Scholarship ang nakatanggap ng P4,000-P20,800 educational assistance. 55 dito ang high school students, dalawa ang college, at lima ang teachers. “Metro Manila will be under Enhanced Community […]
-
Public school teachers, tatanggap ng P3,500 cash allowance ngayong Hunyo – DepEd
Makatatanggap umano ng P3,500 na cash allowance ang mga guro sa pampublikong paaralan ngayong Hunyo. Ayon kay Department of Education (DepEd) Usec. Annalyn Sevilla, target nilang ilabas ang allowance sa ikalawang linggo ng buwan. “Meron pong cash allowance ang mga teachers. This is an additional benefit. It’s budgeted. It’s ready for release. We […]
-
4 drug suspects nalambat sa Malabon, Navotas buy bust
MAHIGIT P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities matapos maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operarion sa Malabon at Navotas Cities. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas Dekdek, 41, (user/listed) ng Malabon at alyas Rex, […]