Fernando, nagpaalala na sundin ang minimum health standards sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19
- Published on January 22, 2022
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS- Muling pinaalalahanan ni Gob. Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyo na patuloy na sundin ang minimum health standards sa gitna ng patuloy na pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan sa mga nakalipas na linggo.
“Kung maaari po, lagi nating isipin na may virus, mag-ingat at maging maingat po tayo hindi lang dahil kailangan natin sa trabaho, sa lakad o sa ospital. Nakikiusap po ako, huwag po nating isipin na ‘sipon lang’ o ‘ubo lang’ kasi iyon nga po ang COVID-19, ito po ay mga sintomas na, kaya intindihin din po natin ‘yung mga kapwa natin kasi iba-iba po ang lakas ng katawan ng bawat tao, at pwedeng yung iba tamaan ng malala,” ani Fernando.
Sa pinakahuling tala ng Bulacan COVID-19 updates, may kabuuang 10,098 ang aktibong kaso ng COVID-19, kung saan 492 dito ang bagong kaso hanggang Enero 19, 2022. Sa kabuuan, 103,993 na mga Bulakenyo na ang nagpositibo dito habang 1,503 naman ang nasawi sanhi nito.
Ayon sa Sitrep No. 688 na inilabas ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa Epidemic Risk Level sa bawat lokal na pamahalaan nitong Enero 17, 2022, 13 na mga lokal na pamahalaan ang kritikal, 10 ang nasa kategoryang ‘high’ at isa ang ‘moderate’ o katamtaman.
Bukod dito, sa bisa ng Executive Orders No. 1 at No.3 ‘T- 2022 na inilabas ni Fernando, inilagay ang Bulacan sa ilalim ng Alert Level 3 mula Enero 3 hanggang 31, 2022.
Binigyang diin din ng gobernador ang kahalagahan ng bakuna laban sa COVID-19, anuman ang brand nito.
“Salamat talaga at may bakuna. Dahil sa bakuna mild na lang karaniwan ang nagiging sintomas pero meron pa ring mga hindi bakunado, may mga bata pa, kaya hinihikayat pa rin natin na magpabakuna ‘yung iba, huwag lang po tayong magsiksikan sa mga bakunahan,” ani Fernando.
Nitong Enero 16, 2022, nakapagtala na ang lalawigan ng 4,023,817 dosis na naibakuna kung saan 1,947,467 ang nakatanggap ng unang dosis, 1,883,981 ang tumanggap ng ikalawang dosis habang 192,369 ang nabakunahan na ng booster dose. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
PBBM sa tatlong Duterte na planong tumakbo sa pagka- senador sa Eleksyon 2025: It’s a free country
”IT’S a free country.” Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang kuhanan ng reaksyon kaugnay sa plano nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at dalawa nitong mga anak na sina Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Davao City Representative Paolo Duterte na tumakbo sa pagka-senador sa halalan sa susunod na […]
-
Piolo Pascual and Jasmine Curtis-Smith Star in the R-rated Drama Thriller “Real Life Fiction”
PIOLO Pascual and Jasmine Curtis-Smith pair up in Black Cap Pictures’ intense drama thriller Real Life Fiction. Directed by Paul Soriano and shot during the height of the pandemic, the movie delves into the abyss of an actor’s mind as he loses bits of his sense of self after years of […]
-
Kouame, ihahabol ng SBP na mapasama sa FIBA qualifiers
Nagbubunyi ngayon ang mundo ng basketball sa Pilipinas matapos na pormal nang magawaran ng Filipino citizenship ang big man ng Ateneo de Manila University na si Angelo Kouame. Ang 23-anyos na si Kouame ay ipinanganak sa Ivory Coast at may height na 6-foot-10. Una nang pinirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang […]