Fernando, pinaalalahanan ang mga Bulakenyo na magbayad ng buwis hanggang Mayo 31
- Published on May 27, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Ipinaaalala ni Gob. Daniel R. Fernando ang kahalagahan ng pagbabayad ng tamang amilyar o Real Property Tax sa takdang oras.
Aniya, “dahil sa pandemya, naiintindihan ko na marami sa mamamayan ang hirap sa salapi kung kaya’t hindi makabayad ng buwis sa tamang oras.”
Kaya naman upang tulungan ang mga taxpayer sa kanilang suliraning pang-pinansiyal sanhi ng enhanced community quarantine, pinalawig hanggang Mayo 31 ang pagbabayad ng amilyar o buwis sa mga real property o ari-ariang ‘di natitinag para sa unang kwarter ng taong kasalukuyan.
Alinsunod ito sa Panlalawigang Kautusang Blg. 91- S2021.
Ang mga ari-ariang hindi natitinag tulad ng lupa, bahay, gusali at makinarya ay kabilang sa pinapatawan ng buwis o tax ng pamahalaan kung saan ang salapi ay ginagamit nito para sa serbisyong pampubliko.
“Mahalaga po ang inyong obligasyon sa pagbabayad ng buwis. Marami pong serbisyo sa mamamayan ang maibibigay kapag nakalikom ang pamahalaan ng malaking halaga ng buwis,” anang punong lalawigan.
-
DOJ, nakikipag-ugnayan sa pag-uwi ni Veloso
NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Department of Justice (DOJ) sa Department of Foreign Affairs (DFA) para malaman ang proseso sa pagpapauwi sa Pilipinas sa Filipina OFW na si Mary Jane Veloso na nasa death row matapos maibaba ang kanyang hatol sa life sentence sa pamamagitan ng ilang beses na apela ng gobyerno ng Pilipinas . Sinabi […]
-
Polish tennis star Swiatek nagkampeon sa Miami Open matapos talunin si Naomi Osaka
TINANGHAL bilang kampeon ng Miami Open si Iga Swiatek ng Poland matapos talunin si Naomi Osaka. Dahil sa panalo ay posibleng makuha nito ang number 1 spot sa world ranking matapos ang pagreretiro ni Ashleigh Barty. Mula sa simula ng laro ay hindi na hinayaan ni Swiatek na makalamang pa sa […]
-
Bilang mga nasasawi dahil sa kilos protesta sa Sri Lanka posibleng tumaas pa
POSIBLENG tumaas pa ang bilang ng nasasawi dahil sa patuloy na kilos protesta sa Sri Lanka. Inatasan kasi ni outgoing Sri Lankan Prime Minister Mahinda Rajapaksa ang mga kapulisan na barilin ang sinumang magtatangka na magsagawa ng kilos protesta. Nailigtas rin ng mga otoridad si Rajapaksa ng tinangka ng mga protesters […]