FIFA Futsal Women’s World Cup 2025, isasagawa sa PH
- Published on October 8, 2024
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ni Fédération Internationale de Football Association (FIFA) President Gianni Infantino na gaganapin sa Pilipinas ang nakatakdang pagbubukas ng inaabangang inaugural FIFA Futsal Women’s World Cup 2025 sa darating na Nobyembre.
Ayon kay Infantino, nakatakdang gawin ang opening matches sa Nobyembre 21 kung saan ang mga lalahok na koponan ay maglalaban-laban para mapabilang sa 16 na grupong papasok sa finals na idaraos sa Disyembre 7.
Mula sa 16 na koponan ay hahatiin sila sa apat na grupo kung saan ang dalawang mangungunang teams mula sa bawat grupo ay mag-a-advance patungo sa knockout phase, quarter-finals, semi-finals, third-place play-off, at final match.
Wala pang pinal na lugar sa bansa kung saan gaganapin ang naturang world cup ngunit mayroon nang ilang pinagpipilian.
Matatandaan noong Mayo 15, nakuha ng Pilipinas ang hosting rights para sa naturang palaro kung saan natalo ang iba pang bansa na nag-bid tulad ng Brazil, Italy, at Spain.
-
Navotas nagbigay ng trabaho sa mga estudyante at ex-ofws
BINUKSAN muli ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinto nito para sa mga kabataang Navoteño na gustong magkaroon ng karanasan sa pagtatrabaho sa gobyerno at mga dating Overseas Filipino Workers (OFWs) na nangangailangan ng alternative livelihood. Nasa 22 beneficiaries ng Navotas Government Apprenticeship Program (NGAP) ang magsisilbi sa pamahalaang lungsod mula […]
-
Pamahalaan handa sa posibleng PUV shortage sa Jan.
NAGHAHANDA ang pamahalaan sa posibleng sinasabing kakulangan ng mga public utility jeepneys (PUJs) sa darating na January dahil ang ibang drivers at operators ay hindi lalahok sa consolidation na may deadline ng Dec. 31. Dahil dito, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay handa naman magbigay ng special permits at […]
-
COVID-19 cases sa bansa nasa 3,749, highest sa halos kalahating taon
Nakapag-ulat ang Department of Health (DOH) ng 3,749 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Huwebes, bagay na nag-aakyat sa kabuuang local infections sa 607,048. Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito: lahat ng kaso: 607,048 nagpapagaling […]