FIFA inanunsiyo ang bagong bola na gagamitin sa semis at finals matches
- Published on December 13, 2022
- by @peoplesbalita
KASABAY din ng pagsisimula ng semifinals ay inanunsiyo ng FIFA ang bagong bola na gagamitin para sa semifinals at finals matchs.
Ang bola na na tinawag na “Al Hilm” ay siyang official match ball na gagamitin.
Ang salitang “Al Hilm” o ang ibig sabihin ay “The Dream” ay siyang papalit sa bola na tinawag na “Al Rihla” o The Journey na ginamit ng hanggang quarterfinals.
Gawa sa water-based inks at glues na siyang unang bola na ginamitan ng nasabing materyales.
Ang disenyo nito ay mula sa disyerto ng rehiyon na may kulay mula sa trophy ng World cup at kulay pula na mula sa watawat ng Qatar.
Kinabitan ito ng “Connected Ball” na isang uri ng sensor para hindi mahirapan ang mg officials sa pagtawag ng mga violations.
-
PBBM, kumpiyansa na sapat ang budget para sa Mayon-affected residents
KUMPIYANSANG sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may sapat na pondo ang pamahalaan para bigyan ng karagdagang suporta ang mga pamilyang apektado ng kamakailan lamang na aktibidad ng Bulkang Mayon. Sa isang ambush interview sa Taguig City, tinanong kasi si Pangulo Marcos kung may sapat na pondo para tulungan ang mga apektadong […]
-
18 sa 20 LEDAC bills aprub na sa Kamara
INIULAT ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na naaprubahan na ng Kamara ang 18 sa 20 panukala na prayoridad na maipasa ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC). Ayon kay Romualdez, mas maaga ng tatlong buwan sa deadline natapos ng Kamara ang mga panukala na tinukoy na bibigyang prayoridad na maisabatas sa pagpupulong ng […]
-
DA, pinalalaanan ng mas malaking pondo ang agri projects sa LGUs
HINIMOK ng Department of Agriculture ang Local Government Units (LGUs) na paglaanan ng mas malaking pondo ang agricultural projects para maabot ang food security ng bansa at mapabilis ang pagbangon mula epekto ng pandemya sa sektor ng pagsasaka. Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Noel Reyes, mas mabuting mag invest ang LGU’s […]