Fil-Japanese golfer Yuka Saso nasa pangatlong puwesto sa may pinakamaraming nalikom na premyo
- Published on September 17, 2021
- by @peoplesbalita
Nasa pangatlong puwesto ngayon si Filipino-Japanese golf star Yuka Saso na may pinakamaraming napanalunang premyo sa torneo ng golf.
Ayon sa The Ladies Professional Golf Association (LPGA) Money List na mayroong $1,214,954 ang nakuhang premyo ni Saso.
Nanguna naman sa listahan si Nelly Korda ng US na mayroong $1,941,977 at pangalawa si Lydia Ko ng New Zealand na mayroong $1,214,954.
Nakuha ni Saso ang nasabing premyo sa limang torneo na kaniyang sinalihan ngayong taon.
Magugunitang isa si Saso at Bianca Pagdanganan na naging pambato ng bansa sa nagdaang Tokyo Olympics.
-
Ads April 5, 2021
-
PNP chief sa mga courier services:’Kilatisin mabuti ang mga rider’
Pina-alalahanan ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga delivery at courier service companies na kilatisin muna ng mabuti ang kanilang mga kinukuhang delivery riders para masigurado na hindi nagagamit ang kanilang kumpanya sa mga iligal na transaksiyon at lalo na ang paghahatid ng mga kontrabando. Hinimok naman ng PNP ang mga delivery […]
-
KYLA, dinamdam nang husto na nawala na naman ang kanyang pinagbubuntis; excited na pa naman na maging kuya ang anak
DINAMDAM nang husto ng singer na si Kyla ang ikatlong beses na nakunan siya. Babae pa naman ang pinagbubuntis ni Kyla at excited na ang anak nila ni Rich Alvarez na si Toby na maging isang kuya. Ayon sa pinost ng singer sa social media: “My heart is broken in levels […]