Filipinas bumaba ang FIFA ranking
- Published on December 19, 2024
- by @peoplesbalita
BUMABA ang rankings ng Philippine women’s national football team.
Sa pinakahuling edisyon ng FIFA Women’s World Rankings ay nasa pang 41 na sila ngayon.
Noong nakaraang rankings ay nasa pang-39 ang world rankings ng FILIPINAS.
Isa sa mga naging malaking sanhi ng nasabing pagbaba nila ng rankings ay ang magkahalong resulta ng FIFA window noong nakaraang Oktubre.
Tinalo nila ang Jordan 3-0 subalit nabigo sila sa mas mababang ranking sa kanila na Kenya sa score na 4-1.
Ang pagkatalo sa Kenya ay isang malaking kagulatan kung saan pang-39 noon ang ranking ng FILIPINAS habang ang Kenya ay nasa pang-151.
Dahil din dito ay umangat rin ang ranking ng Kenya na nasa pang-149 na ngayon.
Ang Filipinas din ay siyang pang-pitong ranked team sa Asya kung saan ang pang walo ang Japan, Pang-siyam ang Korea-DPR, Australia pang-15, pang-17 ang China, pang-20 ang South Kora at pang-37 ang Vietnam.
Nananatiling nasa unang puwesto ang Olympic champion na USA na sinundan ng Spain habang ang Germany ay nasa pangatlong puwesto.
-
KELLEY DAY, ready nang mag-compete sa ‘Miss Eco International 2021’ sa Egypt
READY nang mag-compete si Kelley Day sa Miss Eco International 2021 sa Egypt ngayong April. Ayon kay Kelley, matagal daw siyang nag-prepare for the pageant noong hindi ito natuloy last year dahil sa COVID-19 pandemic. Ngayon ay naayos na ang lahat ng fittings niya para sa mga isusuot niyang gowns sa pageant. […]
-
HEART, inanunsyo ang magiging art collab nila ng BRANDON BOYD
INANUNSYO ni Heart Evangelista ang magiging art collab niya with Incubus frontman, Brandon Boyd. Sa kanyang tweet, pinakita ni Heart ang screenshot ng video call niya with Brandon Boyd, at ng art manager nitong sina Jen DiSisto at Pietro. Caption ni Heart: “Morning meetings with Jen, pietro and #brandonboyed for our little art project SOON.” […]
-
‘Pertussis outbreak’ idineklara sa Quezon City
PINAKIKILOS na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang iba’t ibang departamento sa city hall upang agad na matugunan at maresolba ang sakit na ‘pertussis’ o whooping cough sa lungsod. Kasunod ito ng deklarasyon ng QC LGU ng ‘pertussis outbreak’ matapos na sumipa sa 23 ang naitalang kaso sa lungsod kung saan apat […]