• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Filipinas football team napanatili sa rank 53 sa FIFA

NAPANATILI ng Philippine Women’s football team na Filipinas ang kanilang world ranking.

 

 

Sa inilabas na world ranking ng FIFA ay nasa pang-53rd place pa rin sila.

 

 

Walang paggalaw ang nasabing ranking kahit na mayroong improvement na 1,479.91 points matapos ang tagumpay nila sa Asean Football Federation (AFF) Women’s Championship.

 

 

Ang nasabing ranking na rin ay siyang itinuturing na pinakamataas na ranking na nakamit ng bansa.

 

 

Hindi rin nagbago ang Filipinas sa standing nito sa Asian Football Confederation (AFC) na nasa pang-11 puwesto.

 

 

Sa kasalukuyan ay naka-break ang Filipinas bilang paghahanda para sa FIFA Women’s World Cup na magaganap sa susunod na taon.

Other News
  • NBL SEASON 2022 1st RUNNER UP

    Ipinakita nina Gob. Daniel R. Fernando, may-ari ng Damayang Filipino Bulacan Republicans at kapwa may-ari Arch. Romeo O. Cardenas kasama ang mga miyembro ng kanilang koponan ang kanilang tropeyo sa ginanap na Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan kahapon makaraang magwagi ng 1st Runner Up sa National Basketball League […]

  • Ads July 20, 2023

  • Lim kinabog ang karatista ng Turkey sa isang praktis

    Mukhang maganda ang tinatahak ni 32nd Summer Olympic Games 2020 karate hopeful Jamie Christine Lim at mga kasama sa national team na naghahanda para Olympic Qualifying Tournament sa Paris, France sa darating na Hunyo 11-13.     Base ito sa latest Instagram post ng 2019 Philippine Southeast Asian Games women’s kumite +61-kilogram gold medalist at […]