• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Filipino healthcare workers, mas gusto ng mga world leaders- PBBM

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na biktima ng sarili nitong tagumpay ang Pilipinas sa gitna ng kakapusan ng healthcare workers dahil marami sa mga ito ang nagpupunta sa ibang bansa para maghanap ng mas maayos na sweldo sa trabaho.

 

 

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay sinabi niya sa isang pulong kasama ang Business Executives for National Security (BENS) nang tanungin ukol sa business opportunity sa Philippine healthcare system.

 

 

“Unfortunately, in terms of healthcare workers, we have become victims of our own success in that the Filipinos did really  well during the pandemic. And so, every leader I meet says  ‘can we have more Filipino med techs, doctors, and nurses?’ So we’re having ashortage here,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Gayunman, kumikilos naman ang Department of Health (DoH) para pagaanin ang problema.

 

 

“One of the things our Department of Health has come up with is that we are coming to an arrangement with countries who will accept Filipino healthcare workers to at the same time train the equivalent number of healthcare workers that will stay in the Philippines,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

 

Target din ng administrasyon na bilisan ang board examinations upang makalikha ng mas maraming healthcare workers.

 

 

“We are trying to accelerate the board examinations of nurses so we can actually put out more. So that’s the adjustment that we are trying to make. So it’s not only in the facilities, it’s also in the training. We are very proud of them but we wish they’d stay home,” ayon sa Chief Executive.

 

 

Hindi naman lingid sa lahat na ang mga healthcare workers ay “underpaid” sa Pilipinas, dahilan para marami sa mga ito ang sumusubok na magtrabaho sa ibang bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Big-time oil price hike, umarangkada na naman

    SIMULA  alas-6 ng umaga, Martes (August 30) ay ipinatupad ng mga gasoline stations ang taas presyo sa kanilang produktong petrolyo.     Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc., ay magkakaroon sila ng pagtataas sa presyo ng oil products dahil sa paggalaw ng presyuhan ng mga produktong petrolyo sa World market.   […]

  • Fonacier babalik sa NLEX

    IBINUNYAG ni Joseller ‘Yeng’ Guiao, na puntiryang magbalik sa laro sa North Luzon Expressway ni Larry Alexander Fonacier.     Sa pagkaandap sa Cooronavirus Disease 2019 sa nakalipas na taon, hindi lumaro ang 38-anyos, 6-2 ang taas na veteran guard-forward sa 45th Philippine Basketball Association Philippine Cup 2020 sa Clark Freeport bubble sa Angeles, Pampanga. […]

  • Open na makapag-guest sa shows ng GMA: VICE, nalungkot pero walang galit sa TV5 at ‘di sinisisi ang TVJ

    NGAYONG July 26 na ipalalabas sa mga sinehan ang kauna-unahang pelikula ng reel & real life couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, ang romantic-drama na “The Cheating Game” na produced ng GMA Public Affairs at GMA Pictures.     Abala na nga sa mga promotion ang JulieVer at in fairness, nakikita […]