Final 12 ng Gilas Pilipinas na haharap sa New Zealand iaanunsiyo
- Published on November 21, 2024
- by @peoplesbalita
ILALABAS na ngayong araw ng Gilas Pilipinas ang final 12 na mga manlalaro na isasabak sa 2nd window ng FIBA Asia Cup 2023 qualifiers.
Sinabi ni Gilas coach Tim Cone na nitong Martes ay nagkaroon ng exhibition game ang Gilas mula sa isang koponan sa PBA na ginanap sa kanilang training academy sa Laguna.
Nakita nito ang ilang mga improvements ng halos lahat ng mga manlalaro na dumalo sa nasabing ensayo.
Ilan sa mga hindi pa matiyak ngayon na makasama ay sina AJ Edu at Jaime Malonzo na kapwa may iniindang injury.
Ikinalugod naman nito ang presensiya ngayon ni Scottie Thompson na gumaling na mula sa injury na itinuturing ni Cone na may malaking tulong sa Gilas Pilipnas.
Magkakaroon ng malaking adjustments si Cone sa pagpili na final 12 na isasabak kontra sa New Zealand sa araw ng Huwebes habang maaaring maiba din ang line up sa pagharap nila kontra sa Hong Kong sa araw ng Linggo.
-
Tricycle driver isinelda sa P170K shabu sa Valenzuela
SHOOT sa selda ang 45-anyos na tricycle driver na sideline umano ang magbenta ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek […]
-
Ads April 20, 2021
-
SUPORTA SA UNITEAM DUMAGUNDONG SA ‘TIGER CITY’
NAG-UUMAPAW ang suportang binigay ng mga Mandalenyo kay presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. nang magsagawa ito ng proclamation rally sa kilalang bansag na ‘Tiger City” o sa Lungsod ng Mandaluyong. Tanghali pa lang ay nakapuwesto na ang libo-libong mga supporters ng BBM-Sara UniTeam, samantalang alas singko ng hapon ‘saktong nagsimula ang programa […]