Final grades inaayos na: Graduation, moving up rites sa Abril tuloy – DepEd
- Published on March 14, 2020
- by @peoplesbalita
TULOY pa rin ang graduation at moving rites ng mga estudyanteng nakatakdang magtapos ngayong taon.
Iyon nga lamang ayon kay DepeD Usec. Alain Del Bustamante Pascua ay magaganap ito sa itinakda ng DepEd na Abril 13 hanggang 17 ang graduation rites na ang ibig sabihin ay isang buwan pa mula ngayon.
Tatamaan aniya kasi ito one month community quarantine sa MM kaya nga aniya magad-adjust sila accordingly para lamang aniya sa Maynila at sa mga lugar na mayroong suspension of classes.
Sa katunayan nga aniya ay nagbigay na ng DepEd order si Sec. Leonor Briones ang graduation rites o moving up rites ay idaraos sa pagitan ng Abril 13 hanggang 17.
Ito aniya ay maipapatupad sa labas ng MM subalit sa mga lugar naman aniya na mayroong community quarantine ay ia-adjust lamang anila ito.
At kada eskuwelahan aniya ay maaaring magkaroon ng sarili nilang seremonya o graduation o moving up ceremony na naaayon sa balangkas ng social distancing.
“Kaya’t sila-sila mismo ang magi-implement nyan. Then again, ang assumption dito ay ginagawa ito o ini-iskedyul ito dahil sa kasalukuyang kalagayan kung may mangyayari ulit na development mag-a-adjust na naman kami accordingly,” ayon kay Pascua.
Samantala, inaayos na ng DepEd ang dalawang sistema na ipatutupad para makumpleto ang final grade ng mga estudyante sa Metro Manila (MM) sa gitna ng umiiral na class suspension dahil sa banta ng COVID- 19.
Sa Laging Handa briefing sa New Executive Building (NEB), Malakanyang ay sinabi ni DepEd Usec Alain Pascua na bagama’t dalawang linggo na lamang ang natitirang school days ng mga mag-aaral sa public schools at sa susunod na linggo nakatakda ang mga fourth quarter exams ng mga estudyante ay isa aniya sa mga isinasapinal nila ay ang paggamit ng transmutation formula, o ‘yung pagco-compute ng grado ng mga mag-aaral mula 1st, 2nd at 3rd quarter plus ang remaining standing nila sa 4th quarter.
Ang formula raw na ito ay ilalabas nila sa porma ng isang DepEd memorandum o DepEd order.
Kung hindi naman kuntento ang mga mag-aaral sa kanilang remaining standing ay maaari naman aniya silang kumuha ng online exam.
Ang katuwiran ni Usec Pascua ay dahil 98-99% sa mga mag-aaral ay mayroon nang access sa teknolohiya at wifi.
Aniya, dito naman papasok ang DepEd Commons, kung saan ang mga natitirang lessons ng mga mag-aaral ay ma-a-access online at online na rin ang eksaminasyon.
At para naman sa mga mag-aaral na nasa labas ng Metro Manila na hindi nagpapatupad ng class suspension ay sinabi ni Usec Pascua, ang fourth quarter exam ay gagawin on a staggered basis na ang iIbig sabihin, papasok lamang ang mga magaaral sa mismong araw kung kailan sila nakatakdang mag-exam.
Sinabi nito na aniya ang mga hakbang na ipinatutupad ng DepEd para sa social distancing measures sa mga mag-aaral kontra COVID-19, sakop man o hindi ng class suspension. (Daris Jose)
-
3 binitbit sa buy bust sa Malabon, P53K shabu, nasamsam
KULUNGAN ang kinasadlakan ng tatlong bagong indentified drug personalities matapos mabitag sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek bilang sina Gilbert Habana, 36 ng Daang Bangko Angeles Street, Brgy San Roque Navotas City; John Ezekeil Noga, […]
-
Hindi raw niya alam kung paano ito babayaran: CARLA, nanlumo nang na-charge ang credit card ng higit kalahating milyon
INIHAYAG ng Kapuso aktres na si Carla Abellana, sa pamamagitan hg kanyang social media platform na Threads nitong November 10, 2023, na natuklasan niyang may nai-charge sa kanyang credit card na halagang 11,087.33 dollars o humigit kumulang sa 620,279.64 pesos. “Lord, how will i pay for the $11,087.33 that was charged to my […]
-
MARIO MAURER, type na dyowain si LIZA at ka-tropa naman si BEA
PAMILYAR na ang Thai Superstar na si Mario Maurer sa bansa dahil nakagawa na siya ng movie. Kaya sanay na rin ito sa entertainment press at muling humarap sa Zoom launch kahapon ng TNT’s “Kilig Saya” campaign. Bukod kay Mario, may dalawa pang popular ding Thai actors na sina Nonkul Chanon […]